^

PSN Opinyon

Pagkain ang bubuhay sa Pilipinas

- Al G. Pedroche -

KUNG mayroon mang isang sector na dapat pasiglahin, ito ay ang sector na pang-agrikultura.

Basically, the Philippines is much endowed kung ang pag-uusapan ay pagkain. Malalawak ang kabukiran na natatamnan ng sari-saring probisyon para tayo’y mabuhay.

Noong panahon ni “Great Makoy” — ang vision niya ay to turn the Philippines into an “agro-industrial economy with an egalitarian base.” Pero sa paglipas ng mga panahon, parang unti-unting  naglalaho ang agricultural sector. Ang mga lupaing dati’y tinatamnan ng palay, niyog at iba pang agricultural crops ay nagiging subdibisyon kung hindi man kino-convert into  industrial zones. Nawa­wala ang konsepto ni Marcos na agro-industrial economy dahil nangingibabaw ang pagpapaunlad sa industrial sector.

Kung ako ang masusunod, mas makabubuti kung ang bibigyang pansin sa pagpapaunlad ay ang agrikultura. Kapansin-pansin ang kilos-protesta ng mga magsa­sakang lumiliit ang daigdig dahil sa mabilis na industrialization. May katuwiran sila dahil ang pagsasaka ang kinagisnan nilang kabuhayan. Sana, bilang kalihim ng pagsasaka ay magtagumpay si Arthur Yap sa mithiing pasiglahin ang agricultural sector. Iyan ang bubuhay sa bansa at sa ating mga Pilipino.

Come to think of it. Kung darating ang panahon ng tag-gutom, sino ang sikat? Pilipinas siyempre dahil may makakain ito mula sa mga lupaing saganang nagbibigay ng biyaya ng Diyos. Yung ibang bansang walang sariling taniman maliban sa disyertong pinagkukunan ng langis ay pihong maninikluhod sa atin para lamang mabigyan ng makakain.

ARTHUR YAP

DIYOS

GREAT MAKOY

IYAN

KAPANSIN

KUNG

MALALAWAK

NAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with