^

PSN Opinyon

Buwelta ng gobyerno: Suntok sa hangin

K KA LANG? - Korina Sanchez -

DAHIL sa parami nang parami ang kilos-protesta laban sa administrasyong ito, mukhang palaban na rin ang mga kasangga ni GMA. At ang sandata nila, intimidasyon, paninira at pananakot sa maraming pamamaraan. Nauna na rito ang paglalagay ng mga CCTV o kamera sa mga “piling lugar” tulad ng harap ng La Salle Greenhills at St. Scholasticas College. Nataon naman na aktibo na ngayon ang mga paaralan at kolehiyo sa pagbigkas  ng mga protesta laban sa gobyerno. Sabi pa ng PNP, 30 kamera pa ang ilalagay sa iba’t ibang bahagi ng siyudad, at gagamitin lamang sa pag-oobserba ng trapik at hindi sa pag-eespiya sa kung sinuman. Talaga? Eh bakit nakata­go pa ang mga mukha ng mga nagkabit ng kamera sa La Salle? Maraming lugar ang mas nangangailangan ng mga kamerang iyan, tulad ng mga banko at parking lot, hindi paaralan at kolehiyo. Intimidasyon lang ito. 

Heto pa. Nandiyan na rin ang pahayag ni bagong House Speaker Prospero Nograles na sampahan ng buwis na rin ang Simbahan! Nataon naman na may ilang sektor na rin ng simbahan na nanawagan na sa pagbitiw ng Presidente at pagtahol laban sa katiwalian. Malinaw naman na intimidasyon na rin ito sa simbahan dahil sa kanilang aktibong partisipasyon sa mga kilos-protesta. At tulad na lang ng lahat ng pahayag ng mga kaalyado ng Presidente, kumambyo at binago rin ni Nograles ang kanyang pahayag tungkol dito. Ano ba yan?  Hindi na talaga mapagtahi-tahi ang lahat ng pahayag ng gobyerno!

At kailan lang, may taong iniharap ang administrasyon na nagsasalaysay ng mga umano’y katiwaliang ginawa nila ni Lozada noong sila’y namumuno sa Philippine Forest Corporation. Ang pangalan ng lalaki ay Erwin Santos. Paiyak-iyak din si Erwin Santos. Ipinalabas sa  istasyon ng gobyerno — kaya tuloy kulang sa kredibilidad ang dating ng mga pahayag na nagmukhang pakana ng gobyerno. Pero wala raw kinalaman ang Malacañang   kay Erwin Santos, na tila kusang-loob lumabas sa TV para isiwalat ang mga umano’y anomalya nila ni Lozada. Opus Dei pa raw ito na istriktong Katolikong organisasyon —  so bawal magsinungaling.  Pero ang tanong — may naniwala ba sa kanya? May naawa ba sa kanya? Sabihin nang totoo ang kanyang mga pahayag, eh di dapat kasuhan na rin siya? Inihahanda na kaya ng DOJ ang kasong isasam­pa sa kanya? Iyan naman ay makikita pa natin sa mga darating na araw, kung talagang patas ang turing ng DOJ sa lahat. Pero kung si Raul Gon­zales pa ang pinuno nito alam na natin kung sino ang poon nito. 

Tila kusa nang sina­santabi ng gobyerno ni  Arroyo ang persepsyon  ng publiko.  Parang halos nanununtok na ng han­gin sa kagustuhang ma­tamaan ang parang mul­tong kaaway.  Siguradong marami pang hakbang na gagawin ang Palasyo sa krisis na hinaharap nila ngayon. Kailangang ma­ka­isip sila ng gimik na kakagatin ng publiko.  Dahil sa ngayon ay tila hindi binibili — kasi naman — bumenta na dati.

vuukle comment

ERWIN SANTOS

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

LA SALLE

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with