UNTI-UNTING nahuhubad ang maskara ni Rodolfo Lozada Jr. (J-Lo) ang star witness sa kontrobersiyal na ZTE deal. Sa unang salpukan pa lang, pinalabas ni Lozada na labag sa loob niya ang pagsipot niya sa Senado kung saan kung sinu-sino ang isinangkot niya sa na-suspendeng ZTE deal. Ang gimik ni Lozada, crusader siya laban sa corruption sa gobyerno lalo na sa ZTE deal kung saan, aniya, ang main players ay si dating Comelec chair Benjamin Abalos Sr., First Gentleman Mike Arroyo at President Arroyo.
Nitong nagdaang mga araw, dahan-dahang lumalabas ang tunay na kulay ni Lozada lalo na nang ibando niya na pabor siya sa People Power laban sa gobyerno ni GMA. Itong mga isiniwalat kaya ni Lozada sa Senado ay in aid to demolish ang gobyerno ni GMA at hindi in aid to legislation? Depende yan sa patriotic funds di ba mga suki? Milyon kaya ang kapalit sa pagbubulgar ni Lozada sa ZTE deal?
Kung hindi sumali si Lozada sa protest rally sa Ayala sa Makati City noong nakaraang Biyernes, mukhang nag-iba ang ihip ng hangin sa ngayon. Ibinando kasi ni Lozada na dadalo siya sa mga aktibidades sa pagselebra ng EDSA People Power, kung saan naging bantog ito sa buong mundo. Ani Lozada, gusto niyang imulat sa kabataan ang kailangan sa bansa natin, ang systemic and societal change. Malinaw na sa una pa lang, talagang sangkot na si Lozada sa pagpatalsik ke GMA, di ba mga suki? Imbes na doon lang kasi nakasentro sa ZTE at iba pang corruption issues laban sa gobyerno ni President Arroyo ang idadaldal ni Lozada, eh napadpad ito sa systemic and societal change.
Ang ibig bang sabihin niyan, talagang sa una pa lang eh pagpapabagsak na ng gobyerno ni GMA ang nasa isipan ni Lozada? Kung sabagay, mababasa n’yo naman sa timing at scripted na mga issues na ibinulgar ni Lozada na ang motibo ay painitin ang ulo ng mga Pinoy para mag-alsa. Maliwanag na may nagdidikta kay Lozada.
Kung sabagay, inamin naman ni Lozada na bago siya lumutang sa Senado ay maraming beses silang nagkita ni Senators Ping Lacson at Jamby Madrigal, he-he-he! Kayo na mga suki ang bahalang maghusga kung nasulsulan o hindi, nabayaran o hindi si Lozada. Pero abot n’yo naman si guro na sina Lacson at Madrigal ay hindi itinatago na inis sila kay GMA.
Sa pagkaalam ko kasi mga suki, ang isang hakbangin tulad ng People Power 1 and 2 ay may mga sangkap na masa o dili kaya’y military para magtagumpay.
Sa sunud-sunod na protest rally na isasagawa ng militante at Oposisyon sa linggong ito, malalaman natin kung nagtagumpay si Lozada na painitin ang ulo ng mga Pinoy. Kasi nga kapag, dumami na ang nagra-rally, may posibilidad na makialam na ang military at presto susundan ni GMA ang yapak ng yumaong ex-President Marcos at ousted Pres. Joseph Estrada. Pero papayag kaya ang military na makipag-power sharing sa mga komunista, na aktibo sa oust GMA movement sa ngayon? Tiyak hindi! Abangan!