^

PSN Opinyon

Ang Food Summit sa Abril

- Al G. Pedroche -

KAHIT lublob sa kontrobersya ang Arroyo administration, may ilang departamento na tila dedma lang sa gulo at tuloy ang trabaho. Dapat lang. Maraming problemang nakakaapekto sa mamamayan ang dapat asikasuhin sa halip na ang magulong politika. Isa na riyan ang suliranin sa pagkain.

Magdaraos ng Food Summit ang Department of Agriculture sa Abril. This in  a bid to sustain the momentum of the farm sector in the medium term by harmonizing the food sufficiency or security initiatives of the national government with those of local government units and private-sector stakeholders, ayon kay Agriculture Sec. Arthur Yap.

Habang isinusulat ko ito, patungong Dubai si Yap to sign some agreements on the marketing of Philippine Agri products there. Siyempre, kasama na rin ang pag-anyaya ng mga Arabong investors para magnegosyo sa bansa. Wish ko lang ay hindi maapektuhan ng giyera political ang mga programa ng DA tulad ng nangyayari sa ibang government projects ngayon. Where the peo­ ple’s welfare is concerned, walang dapat makahadlang sa mga programang ito.

 Ayon kay Yap, ang summit sa Abril ay naglalayong masimulan ang mga programang magpapasigla sa produksyon ng pagkain hanggang taong 2010. Alinsunod ito sa “five-pillar growth agenda” ng departamento. Napapanahon ito. Dumarami ang mga hamon sa daigdig na kaugnay ng food production gaya nang pagbabago sa klima. At habang lumalago ang populasyon, lumolobo rin ang food demand ng mga bansang mabilis ang pag-unlad tulad ng China and India. All these, not to mention the deepening clash in certain countries between crop production for food and biofuel feedstock.

Ang DA ang punong-abala sa summit sa utos na rin ni President Arroyo. Ani Yap, “we can mobilize all sectors in crafting action agendas in pursuit of our mandate to focus on food and jobs, as provided for in the Medium-Term Philippine Deve­lopment Plan or MTPDP.”

ABRIL

AGRICULTURE SEC

ANI YAP

ARTHUR YAP

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FOOD SUMMIT

MEDIUM-TERM PHILIPPINE DEVE

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with