EDITORYAL — Mag-people power para malutas ang unemployment
IPINAGDIRIWANG ang ika-22 anibersaryo ng EDSA 1 ngayon. Eksakto naman sa anibersaryo na niyayanig ang kasalukuyang administrasyon. Hinihiling na bumaba sa puwesto si President Arroyo at ang mga sangkot sa national broadband network. Maraming nanghihikayat na mag-people power. Tama na raw at sobra na. Pero ang panawagan ay hindi kasing-init ng nangyaring EDSA 1 at EDSA 2. Hindi pa rin maduplika ang dalawang EDSA rebolusyon.
Habang marami ang nananawagang mag-people power na patuloy namang sinasalag ng kabilang panig, marami naman ang sumisigaw na sana’y magkaroon na sila ng trabaho. Patuloy ang pagtaas ng unemployment rate sa kabila na umuunlad ang ekonomiya.
Noong October 2007, sinabi ng National Statistics Office (NSO) na nag-improved ang unemployment rate. Mula 7.3 percent ay naging 6.3 percent. Pero ayon sa mga ekonomista, artipisyal ang datos na ito sapagkat hindi naman nagbago ang unemployment rate. Hindi totoong nag-improved ang unemployment sa bansa. Marami pa rin ang walang trabaho dahil nagreresign sila at walang interes sa trabaho at ang iba ay masyadong nakadepende sa kanilang family members na nagtatrabaho sa abroad.
Sa isang forum na ginawa sa Ateneo de
Ayon sa ekonomistang si Cielito Habito, bagama’t nakapag-generate ng may 500,000 bagong trabaho noong October 2007 ang industry at services sectors, nawalan naman ng trabaho ang mga nasa agriculture sector. Tinatayang 25,000 ang nawalan ng trabaho. Maganda at umuunlad ang ekonomiya subalit dapat itong madama lalo nang mga mahihirap.
Kung mayroon mang dapat ipag-people power iyon ay ang puwersahin ang pamahalaan na tuparin ang pangakong maraming trabaho. Kung may dapat mang ipag-aklas iyon ay ang puwersahin ang pamahalaan na wasakin ang corruption para makinabang ang mahihirap. Mag-people power hindi para sa iilan kundi para sa nahihirapang masa.
- Latest
- Trending