^

PSN Opinyon

3 mahalagang paraan sa cancer treatment

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

PARA sa kaalaman ng nakararami, ang cancer ay hindi single disease kundi isang grupo ng mga sakit na maaaring tumubo sa lahat ng bahagi ng katawan, ma-lalaki o ma-babae man kahit sa anong gulang. Tinatawag ding ito multisystem disease.

Ang mga sakit ay iginrupo sa isang pangalan o generic name dahil sa kakayahan nilang palitan ang mga normal tissues at pigilan ang normal na systemic function ng katawan. Kapag hindi napigilan ang sakit o hindi nagamot, magdudulot ng kamatayan.

Dahil ang cancer ay tinatawag ngang multisystem  disease, nangangailangan ito ng interdisciplinary treatment approach para matamo ang pinakamagandang oportu­nidad na malunasan ang sakit.

May tatlong mahahalagang paraan para malunasan ang cancer:

• Una ay ang surgery o ang operasyon. Sa pama­magitan ng surgery, inaalis ang tumor at iba pang sangkot na tissues sa bahaging may cancer.

• Ikalawa ay Medical Oncology. Sa pamamaraang ito gumagamit ng pharmaceuticals o ang tinatawag na chemotherapeutic drugs para paliitin at mapuksa ang tumor.

• Ikatlo ay ang radiation theraphy. Gumagamit ng     ionizing radiation para puksain ang tumor na hindi mada­damay ang mga nakapaligid na tissues.

Ang tatlong pamamaraang ito ay  maaaring gawin individually at sequentially depende sa location, pathology at sa stage ng sakit.

vuukle comment

DAHIL

GUMAGAMIT

IKALAWA

IKATLO

KAPAG

MEDICAL ONCOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with