^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Kalkalan ng baho

-

NANG lumantad si Rodolfo Lozada bilang witness sa maanomalyang national broadband network (NBN) project, agad din namang lumabas ang mga nakatagong baho niya. Kaya ang lumalabas ngayon ay kalkalan ng baho ang magkabilang panig. Habang nagpapasabog si Lozada ng mga kabulukan at  “evil” ng kasalukuyang administrasyon, kinakalkal din naman ang kanyang baho. At sa nangyayaring ito ay lalong nalilito ang taumbayan kung sino ba talaga ang malinis at dapat na paniwalaan. Siguro’y isa ito sa dahilan kung bakit, malayo pang sabihin na magkakaroon muli ng panibagong people power na kagaya ng nangyari noong February 1986 at January 2001 na napatalsik ang mga presidenteng sina Ferdinand Marcos at Joseph Estrada.

Kalkalan ng baho ang magkabilang panig. May­roong naibubutas kay Lozada gaya na lamang ng mga maanomalyang transaksiyon sa Philippine Forest Corporation noong siya pa ang namamahala rito. Mismong ang kanyang matapat na tauhan ang nagsabi na mayroong mga irregularities na nagawa ang dati niyang boss sa PFC.

Sinabi ni Erwin Santos, pinuno ngayon ng PFC, na handa siyang maging state witness para matu­lungan ang gobyerno. Maraming beses umiyak si Santos habang iniinterbyu ng media. Inamin niyang masyado silang malapit ni Lozada noong ito pa ang kanyang boss. Ito ang dahilan kaya alam   daw niya ang mga pinasukang transaksiyon ni Lozada. Tinawag ni Lozada si Santos na “Judas” dahil sa mga sinabi nito sa media.

Nang unang humarap sa Senado si Lozada, binira agad siya ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ukol sa mga iregularidad na nangyayari sa PFC. Kabilang dito ang ukol sa insurance na ang asawa ni Lozada ang naging agent at ganoon din ang mga mama­haling imported na kambing. Inamin naman iyon ni Lozada at sinabing “mea culpa”.

Walang makapagsasabi kung hanggang saan ang imbestigasyon ng Senado sa NBN-ZTE controversy pero ang tiyak, walang magaganap na pag-aaklas nang maraming Pilipino. Maaaliw lamang    sila sa panoorin sa Senado kung paano magkal-kalan ng baho ang magkabilang panig. Para ring telenobela na magwawakas at mawawala na lang bigla.

vuukle comment

ERWIN SANTOS

FERDINAND MARCOS

INAMIN

JOSEPH ESTRADA

LOZADA

PLACE

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with