^

PSN Opinyon

Tinimbang ka ngunit kulang?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

LAHAT tayo’y nakasaksi na ng argumentong pro-GMA vs. anti-GMA. Lalo na nung nabisto ang pandaraya sa Hello Garci. Sa kabila ng malinaw na pagnakaw ng boto, mayroon pa ring nagpupumilit na OK na rin ang Pilipinas kay Gng. Arroyo. Ang madalas panangga mula pa nung 2001 ay: “Buti nang si GMA. At sino naman ang pwedeng ipalit?” Ngayong mahigit seven years at sangkatutak na anomalya nang nakalipas, bebenta pa ba ang argu­mentong ito? Maliban sa kanyang mga kakontsaba, wala nang nangangahas ngayong magpaliwanag para kay GMA. Lubhang napakatindi ng mga kaganapan sa ZTE-NBN at Lozada abduction na hinihiling ng panahon ang bagong hamon sa bawat isang Pilipino. Ano ang personal kong itutugon sa nangyayari sa aking lipunan?

Maaari nating tularan ang halimbawa ni Jun Lozada. Nung una’y umiilag, natatakot mamatay dahil sa pag-aalala sa pamilya. Sa huli’y nagdesisyon –- mabuti nang mamatay na malinis ang konsensiya kaysa mabuhay na pasan ang bigat ng panlilinlang sa bayan. Kaya buo ang loob lumantad sa kabila ng panganib sa buhay ng buong angkan.

O nandyan din para tularan ang halimbawa ng ating mga kinatawan. Ano na ba ang pahayag sa isyu ng ating mayor, councilor, congressman, senator?  Dito sa Maynila, nagdeklara na si Mayor Alfredo S. Lim – “we have to make a stand”. At inumpisahan na nga ang kampanyang “Piso para sa katwiran.” Congressman Bienvenido Abante ng 6th district, tumindig na para sa “Moral revolution”. Wala akong masasabi sa ating mga Senador –- ang Senado na lang yata ang natitirang institusyon na interesado sa katotohanan. Ang ibang mga congressman? Ano ang kahulugan ng inyong pananahimik?

Lipas na ang oras ng pagtatanggol kay GMA. Dumating na ang panahon na sariling aksyon na ang dapat ipag­tanggol. Mga miyembro ng Gabinete na hindi direktang sangkot sa iskandalo –- kesyo sa kurakot o sa pag­tatakip, ano ang  tugon  n’yo sa hamon ng Hyatt 10  at   ng La Salle 60?

Sa ayaw natin o sa gusto, dapat nang ma­nindigan. Kapag gina­mit na ang pamahalaan laban sa mamamayan sa halip na para sa kanilang ka­pakanan, nasaan pa ang kara­patan nitong maging kinatawan?

ANO

BUTI

CONGRESSMAN BIENVENIDO ABANTE

HELLO GARCI

JUN LOZADA

LA SALLE

MAYOR ALFREDO S

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with