PAGLAPAG ng BITAG sa Cebu City, sa hotel pa lamang na aming tinutuluyan, biglang nagtapat si Kim sa kanyang tunay na kalagayan noong nasa casa pa raw siya.
Unang tuntong niya raw sa casa, nagulat daw siya nang bigla siyang bigyan ng mga seksing kasuotan katulad ng skinny panty at bra at T-back.
Nagulat daw si Kim at nagtanong ang bata kung ano raw ba ang kanyang magiging trabaho at bakit ganoon ang kanyang uniporme.
Laking pagsisisi ng bata nang sabihin sa kanya ng mga kapwa menor de edad na magsasayaw siya sa club, sa harap ng mga dayuhang kostumer.
Ang siste kinakailangan daw niyang maglam-barass, umikot-ikot, mag-bending at split sa pole na naka-design daw sa entablado ng club.
Pananakot pa ng mga recruiter kay Kim, hindi siya makakauwi sa bahay nila sa Maynila hangga’t hindi siya magsasayaw.
Pagbubulgar pa ni Kim, gumagamit na rin ng droga o ipinagbabawal na gamot ang kanyang mga kasamahang menor de edad para raw pampalakas ng loob at para lagi daw silang nakangiti kapag kaharap ang kostumer.
Nang gabi ring ‘yun, kasama si Kim, inikutan ng BITAG ang lugar ng casa at maging ang club na kanilang pinapasukan.
Kinabukasan, nakipag-ugnayan ang BITAG sa Criminal Investigation and Detection Group Region 7 sa Camp Sotero Cabahug, Cebu City.
At dahil tukoy na ng aming grupo ang mga lugar na pinagdadalhan sa mga menor de edad, agad pinlano ng mga operatiba ng CIDG-Region 7 at BITAG ang isasagawang rescue operation.
Ayon sa mga operatiba, malinaw na human trafficking ang kababagsakan ng mga suspek sa operasyong ito dahil nagsimula ang lahat sa pagpapangako sa mga bata ng magandang tra baho, malaking suwelldo at magandang buhay.
Pagkatapos ay mula National Capital Region, ibiniyahe ang mga bata papuntang Cebu at dito, pinilit silang pagtrabahuin ng labag sa kanilang kalooban.
Sa planong aming gina wa, papapasukin si Kim sa loob ng casa. Kinargahan namin siya ng concealed camera upang maidokumento ang kaganapan sa loob.
Sa pamamagitan ng misscall ni Kim sa BITAG, hudyat ito upang pasukin namin kasama ang mga operatiba ang casa ng mga menor de edad sa Cebu...
(Abangan ang huling bahagi)