^

PSN Opinyon

Sindikato ng trafficking of minors sa Cebu, hulog sa BITAG! (2)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PAGLAPAG ng BITAG sa Cebu City, sa hotel pa lamang na aming tinutuluyan, biglang nagtapat si Kim sa kanyang tunay na kalagayan noong nasa casa pa raw siya.

Unang tuntong niya raw sa casa, nagulat daw siya nang bigla siyang bigyan ng mga seksing kasuotan katulad ng skinny panty at bra at T-back.

Nagulat daw si Kim at nagtanong ang bata kung ano raw ba ang kanyang magiging trabaho at bakit ganoon ang kanyang uniporme.

Laking pagsisisi ng bata nang sabihin sa kanya ng mga kapwa menor de edad na magsasayaw siya sa club, sa harap ng mga dayuhang kostumer.

Ang siste kinakailangan daw niyang maglam-barass, umikot-ikot, mag-bending at split sa pole na naka-design daw sa entablado ng club.

Pananakot pa ng mga recruiter kay Kim, hindi siya makakauwi sa bahay nila sa Maynila hangga’t hindi siya magsasayaw.

Pagbubulgar pa ni Kim, gumagamit na rin ng droga o ipinagbabawal na gamot ang kanyang mga kasamahang menor de edad para raw pampalakas ng loob at para lagi daw silang nakangiti kapag kaharap ang kostumer.

Nang gabi ring ‘yun, kasama si Kim, inikutan ng BITAG ang lugar ng casa at maging ang club na kanilang pina­pasukan.

Kinabukasan, nakipag-ugnayan ang BITAG sa Criminal Investigation and Detection Group Region 7 sa Camp Sotero Cabahug, Cebu City.

At dahil tukoy na ng aming grupo ang mga lugar na pinagdadalhan sa mga menor de edad, agad pinlano ng mga operatiba ng CIDG-Region 7 at BITAG ang isasaga­wang rescue operation.

Ayon sa mga operatiba, malinaw na human trafficking ang kababagsakan ng mga suspek sa ope­ras­yong ito dahil nag­simula ang lahat sa pagpapa­ngako sa mga bata ng magandang tra­ baho, malaking su­welldo at magandang buhay.

Pagkatapos ay mula National Capital Region, ibiniyahe ang mga bata papuntang Cebu at dito, pinilit silang pag­tra­ba­huin ng labag sa kanilang kalooban.

Sa planong aming gina­ wa, papapasukin si Kim sa loob ng casa. Kinargahan namin siya ng concealed camera upang maidoku­mento ang kaganapan sa loob.

Sa pamamagitan  ng misscall ni Kim sa BITAG, hudyat ito upang pasukin namin kasama ang mga operatiba ang casa ng mga menor de edad sa Cebu...

(Abangan ang huling bahagi)

CAMP SOTERO CABAHUG

CEBU

CEBU CITY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP REGION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with