Magsasaka, mangingisda ‘high-tech’ na rin
MAGANDA at ambisyoso ang programa ng Department of Agriculture. The department headed by Sec. Arthur
Bukod diyan, mapapasok na nila ang tinatawag na on-line trading sa pagbebenta ng kanilang produkto. Kung tutuusin, baka tayo na lang ang nahuhuli sa teknolohiya pero okay na rin basta’t maihahabol ng DA. Kasi naman, labis ang pulitikang umiiral sa bansa kaya nababansot ang pag-unlad natin.
Ayon sa Bureau of Agricultural Research (BAR), ang Comprehensive Agriculture and Fisheries Integrated Management System (CAFIAMS) ay naglalayong bigyang kaalaman ang mga maliliit na farm producers sa mga teknolohiyang makapagpapataas sa kanilang ani at kita.
Welcome development iyan dahil tayo’y nasa cyber age na. Basically, nagpupumilit lang ang bansa na maging industrial nation pero talagang agricultural country tayo na kung tutuusin ay dapat kainggitan ng ibang bansa. Kung sakaling dumating ang tag-gutom sa daigdig, meron tayong makakain maski papaano pero yung mga nasa disyerto ay hindi puwedeng lagukin ang kanilang krudong langis. Balikan natin ang bagong project ng DA.
Sa pamamagitan ng CAFIAMS, ang mga magsasaka ay puwede nang makipag-tie-up electronically sa ibang mga magsasaka sa ibang panig ng bansa. This is with the aim in view to synchronize planting, harvesting and delivery schedules to help them command the best possible prices for their products and ensure the stea dy supply of food staples.
Katunayan, nakikina bang na sa proyekto ang may 2,515 onion farmers na nagsasaka sa 2,132 hectares ng lupain sa buong bansa. Kapag ito’y napalawak pa at masakop ang ibang mga sakahan pati na ang fisheries sector, tiyak papatok ang ating pangingisda at agrikultura.
- Latest
- Trending