Bagong paglala ng HIV/AIDS
BASE sa AIDS Epidemic Update ng United Nations Programme on HIV/AIDS at World Health Organization, 2.5 milyong katao noong 2007 ang nagka-HIV/AIDS sa buong mundo. Halos 20 milyon na umano ang namatay sa mga kumplikasyon nito mula nang matuklasan ang sakit noong dekada ‘80.
Ayon kay Conrado S. Navarro ng NGO na HIV/AIDS Prevention Project-Philippine Rural Reconstruction Movement (HAPP-PRRM), umabot na sa 307 Pilipino ang namatay sa mga kumplikasyon ng HIV/AIDS mula 1984.
Sa ulat ng Philippine National AIDS Registry, may 2,965 cases nito sa bansa, pero sabi ng DOH, maaaring 30,000 Pilipino ang may sakit nito, bagama’t hindi nila alam dahil hindi pa sila na-diagnose.
Sabi ni Navarro, 74 porsyento ng mga may HIV/AIDS ay hindi kinakitaan agad ng simptomas, at nalaman na lang nila nang ito ay malala na. Ang HIV virus aniya ay naisasalin sa body fluids, sa pamamagitan ng heterosexual and homosexual contact, blood transfusion, needle prick injuries, intravenous drug use, at mula sa ina papunta sa anak. Malakas magsalin ng virus ang unprotected sexual intercourse, palit-lipat ng sex partners at paggamit ng karayom na ginamit ng iba.
Dagdag niya, maiiwasan ang HIV/AIDS sa pamamagitan ng ABCDE steps: A – Abstinence from unsafe sex; B – Be faithful to your partner; C – Condom; D – don’t use drugs; at E – Education.
Ang HAPP-PRRM, sa partnership ng UNICEF, ay may mga programa sa
- Latest
- Trending