^

PSN Opinyon

Mga bagong talagang Worshipful Master

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BINABATI ng mga kuwago ng ORA  MISMO, ang Laong-Laan Lodge 185 sa ika-43rd Public Installation ng kanilang mga officials at gayundin sa Marikina Lodge 119 sa ilalim ng jurisdiction ng Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Mason of the Philippines sa katatapos at matagumpay nilang pagpapalit ng kanilang mga pinagpipitagan at pinagtitiwalaang lodge officers ngayong 2008-2009.

Sina  Danny Gutierrez ng Laon-Laan Lodge at Leopoldo Romero Jr., at kanilang mga officials sa kani-kanilang loya ang itinalagang newly elected Worshipful Master.

Mabuhay kayo mga Kuyang!

Danny bubuyog

SIGURO dapat turuan muna ng handler dyan sa Manila International Airport Authority ang kanilang bastos na empleado sa pass control office dyan sa airport na makiharap sa mga tao at hindi hayop.

May kayabangan si Danny bubuyog kaya naman sangdamukal na empleado sa airport ang buwisit dito dahil sa kagaspangan ng ugali.

Sana huwag muna itong paharapin sa tao at turuan munang gumalang at mangilala ng totoong tao at hindi hayop.

Malakas ang loob ni Danny bubuyog kaya naman may kabastusan ang ugali porke pinagmamalaki nitong inaanak siya ng isang sekretarya ng mataas na opisyal sa MIAA.

Ang hindi yata iniisip ni Danny bubuyog ay public servant.

Boy baguhin mo ang ugali mo baka sa kangkungan ka itapon ng mga official dyan sa NAIA.

Abangan!

Jueteng plotters

NAPATAY ang kapatid ng isang administrador ng jueteng dyan sa bahay nila sa Laguna may two weeks na ang nakakaraan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi raw dapat ito ang tinira kundi ang isang nagngangalang Leo pero dahil magkamukha at magkasinlaki ang mag­kapatid, nadisgrasya ang hindi dapat matigok.

Sabi nga, kawawa naman!

Nagtatago ngayon sa hindi malamang place si Leo sa takot na maitumba siya ng mga kalaban niya sa sugalan.

May mga tauhan si Leo na naggagalaiti sa galit sa mga killer na up to now ay dehins pa nila ma-identified.

Matatandaang pinitik ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dadanak ng dugo dahil lamang sa agawan ng teritoryo sa jueteng pero hindi ito pinansin ng mga foolish cop.

Ika nga, mga patong.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang humahanap lamang ng tiempo ang grupo ng mga naargabiado para makaganti.

‘Manunumba rin ba sila ng kalaban?;’ tanong ng kuwa­gong manghihilot.

‘Baka dahil nasaktan masiado ang naargabiado’ sagot ng kuwagong inapi.

‘Jueteng ba talaga ang pinag-ugatan ng lahat?’ tanong ng kuwagong kubrador.

‘May posibilidad dahil alaws naman kaaway ang tinigok’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Ano ang dapat gawin?’

‘Mag-intay tayo kamote.”

AYON

DANNY GUTIERREZ

JUETENG

LAON-LAAN LODGE

LAONG-LAAN LODGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with