^

PSN Opinyon

Reporma simulan sa sarili

- Al G. Pedroche -

AYON kay dating Presidente Estrada, ang mga samahan sa negosyo, civil society at ibang grupong nagsama-sama para siya patalsikin noong 2001 ay natatanto na ang pagkakamali. In another word - nagsisisi.

Oo nga naman.  Yung mga grupong sumigaw ng  “Erap resign” noon ay siya ring sumisigaw ngayon nang “Gloria resign.”

Marahil, ang iba’y siya ring pangkat na lumantad sa EDSA noong 1986 upang ipanawagan ang pag-alis sa tungkulin ni “Great Makoy.”

Alam na ng lahat kung bakit pinabababa sa puwesto si Gloria at hindi na nating ididetalye ang masalimuot nang pagbubunyag sa ZTE controversy ni June Lozada. Nag­ simula sa Makati noong Biyernes ang anti-Arroyo rally na dinagsa ng angaw-angaw na tao. Pero ito’y nabigong buwagin ang rehimeng Arroyo. Nagtagumpay ito min­ san, makalawa pero mukhang malabo na itong magta­gumpay.

Manhid na ang tao. Ayaw nang rumesponde dahil    wala namang nangyayaring positibong reporma. Ano  bang reporma ang hinahangad natin? Reporma sa sistema?  Pagpapaalis sa mga corrupt officials upang pali­tan ng panibagong hanay ng mga mangungurakot?

Granting na may mailuklok na bagong Presidente like Kabayang Noli — baka hindi maglipat buwan may mga street protests din para siya pababain sa tungkulin questioning the legitimacy of his government.

Kung naghahangad tayo ng pagbabago, ito’y dapat simulan sa sarili. We got to have true wisdom that will carry this nation to true progress. This wisdom can only be derived out of genuine fear of the Lord. Ang mga taong may takot sa Diyos ay mangingilag gumawa ng katiwalian. At kung ang bawat leader sa pamahalaan ay may takot sa Diyos, walang scams na mangyayari.

Fellow Christians, let’s pray for this genuine spiritual reform.

DIYOS

FELLOW CHRISTIANS

GREAT MAKOY

JUNE LOZADA

KABAYANG NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with