Pagkakaisa ng mga OFW
SA utos ni Labor Secretary Arturo Brion, inatras ng Philippine Overseas Employment Authority (POEA) ang pagpapatupad ng Memorandum Circular No. 04 (MC-04) dahil din sa matinding pagtutol ng mga migrant groups katulad ng Migrante International at ng Center for Migrant Affairs (CMA). Katulad ng lagi kong sinasabi, nagpapasalamat ako na may mga grupo tulad ng Migrante at CMA na kumikilos sa kapakanan ng mga OFW dahil kung wala sila, marahil hindi rin makikinig ang gobyerno.
Tinutulan ng mga grupo ang MC-04 dahil ang perang ibabayad ng mga employer sa bond na hinihingi ng kautusan ay maaaring ibabawas lang daw sa sueldo ng mga OFW. Maliban pa diyan, sinabi ng mga grupo na hindi raw sila kinunsulta ng gobyerno bago ilabas ang utos na ito.
Dalawa ang leksiyon na maaaring matutunan sa pag-atras na ito. Una, nakita na maaari naman palang magbago ang mga patakaran ng gobyerno kung may malakas na pagtutol. Pangalawa, nakita may poder pala ang mga OFW kung sila ay magsama at magkaisa sa mga isyu.
Ano pa kaya ang mga isyu na maaaring magsama at magkaisa ang mga OFW upang maparating sa gobyerno ang kanilang kagustuhan? Sa tingin ko, dapat unahin ang suliranin ng mga OFW ngayon tungkol sa palitan ng dollar sa peso. Kailan lang naglabas ng
Bakit hindi na lang mag-isip ng mga paraan ang gobyerno na makatipid o di kaya kumita ng mga OFW sa halip na sila pa ang maglabas ng pera? Halimbawa, bakit hindi hikayatin ng gobyerno ang mga banko na babaan ang kanilang remittance fees? O di kaya hikayatin nila ang mga malalaking negosyante na magbigay ng emergency discount sa mga OFW habang may crisis pa sa palitan?
* * *
Makinig sa KOL KA LANG sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Mon to Fri. E-mail: [email protected], text 09163490402, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515. OFW Family Club
- Latest
- Trending