^

PSN Opinyon

Payagan ng Malacañang na tumestigo si Neri

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NANANAWAGAN ang aking anak na si Senate president pro tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa Mala­ cañang na payagan na si CHED Chairman Romulo Neri na muling tumestigo sa pagdinig ng Senado tungkol sa $329 milyong NBN-ZTE deal.

Na-quote kasi ng media ang pahayag ni Neri na hindi niya sariling desisyon ang pagtangging humarap muli sa Senado, bagkus ay kailangan lang niya umanong sundin ang pagbabawal sa kanya ng mga amo sa Executive branch ng pamahalaan, o ang ibig sabihin ay ang Mala­cañang.

Si Neri ang nagsabi sa pagdinig ng Senado noong isang taon na inalok siya ng P200 milyong suhol ni     dating Comelec chairman Benjamin Abalos Sr. at isinum­bong daw niya ito kay Ginang Arroyo, pero nung tinata­nong na siya ng mga senador tungkol sa tugon ni Mrs. Arroyo ay tumanggi na siyang magsalita at nag-invoke na ng “executive privilege.”

Sa ginawang matapang na pagbubunyag ni resigned Philippine Forest Corporation president Rodolfo “Jun” Lozada ay lalong tumibay sa isip ng publiko na marami pang kailangang ilahad si Neri, kaso nga lang ay pini­pigilan siya ng Palasyo.

Nakasalalay ngayon ang desisyon kay Ginang Arroyo, upang maipakita man lang sa taumbayan na talagang walang itinatago sa naturang kontrobersiya.

Inilahad na noon ni Neri ang mga unang piraso ng “puzzle” o palaisipan sa NBN-ZTE controversy, at ibinigay naman ni Jun Lozada ang iba pang piraso. Ang natitira na lang na mahahalaga pang huling mga piraso ng palaisipan ang tangan pa rin ni Neri.

Sinesegundahan ko ang panawagan ni Jinggoy sa Malacañang na pagbigyan na si Chairman Neri na huma­rap muli sa Senado at kumpletuhin niya ang pagbubunyag ng mga detalye ng kontrobersyal na kontrata.

* * *

Para sa mga nag­ha­hanap ng serbisyo pub­liko, maaari kayong lumi­ham sa opisina ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jing­goy Ejercito Estrada sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin ninyo at hindi po matutugunan ang mga solicitation letter.

BENJAMIN ABALOS SR.

CHAIRMAN NERI

CHAIRMAN ROMULO NERI

GINANG ARROYO

NERI

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with