Mag-ingat sa high-tech na sindikato ng bank fraud at scams! (3)
KARUGTONG ito nang nalathala noong Miyerkules ukol sa mga sindikatong nasa likod ng bank fraud at scams.
Trabaho ng sindikato na mamagitan at solusyunan ang reklamo ng mga bank depositors kung mayroon mang naging problema sa kanilang pera at ayaw itong panagutan ng banko.
Nasa ilalim ng kapangyarihan ng BSP ang mga banko, remittance company at maging mga pawnshops.
Ayon na rin sa BSP, pinarerehistro nila ang mga establisimentong ito sa kanilang tanggapan upang mapanatili na lahat ng transaksiyong may kinalaman sa money at account transactions ay lehitimo.
Bumabagsak ang mga ganitong problema sa Anti-Money Laundering Act ng BSP. Paano kung failure mediation ang hatol ng BSP sa inirereklamong banko at remittance company at ng kanilang kliyenteng nagrereklamo?
Nararapat lamang na sila mismo ang magpasa ng kaso sa mga alagad ng batas para sa pormal na imbestigasyon. Hindi ‘yung tuturuan nila ‘yung biktima na magsampa na lamang ng kaso.
Sa totoo lang kasi, kawawa ang biktima rito, bukod sa napakahabang proseso, mauuwi lamang sa wala ang kaso.
Sa tulong ng mga alagad ng batas sa kanilang imbestigasyon, sa pamamagitan ng court order, puwede nilang obligahin ang banko na ilabas ang mga dokumento o ebidensiyang tutulong sa paglutas ng bank fraud at scam.
- Latest
- Trending