^

PSN Opinyon

‘Nasaan na ang mga testigo?’

- Tony Calvento -

ANG IKATATAGUMPAY ng isang kaso ay nakasalalay sa  testigo. Marami na akong nakitang kaso na walang kina­hinatnan dahil sa walang gustong tumestigo. Ang storyang tampok natin ngayong araw na ito ay naisampa sa korte at meron ng schedule ng hearing subalit bigla na lamang nawala ang dalawang “vital witness” na maaring magbigay linaw kung ano ba ang katotohanan sa isang kaso.

Base sa mga nakalap ni Jezza Balmeo sa aming tanggapan sa “CALVENTO FILES” noong Hunyo 2006, aming nakilala ang mag-asawang Elizabeth at Rizal Cubangbang ng San Vicente, Ilocos Sur. Sila ay humingi ng tulong sa aming tanggapan tungkol sa kasong kanilang isinampa.

Ito ay ang kasong pagpatay umano sa kanilang anak na si Rudolph ng magkakapatid na Mario, Harold o “Along” at SPO1 Haluwi Dela Cruz.

Natulungan namin sila noon sa Resolution ng kanilang kaso. Ito ay naging pabor sa kanila at nai-akyat sa korte.

Sa Sinumpaang Salaysay ng kanilang testigo na si Edilberto Evangelista Jr. na ibinigay  kay PO3 Antonio Torralba sa himpilan ng Cabangan, Zambales noong Pebrero 12, 2006,

Sinasabi niyang noong Nobyembre 4, 2005, humigit kumulang sa ika-10:00 ng gabi siya ay natutulog sa papag sa labas ng kanilang bahay ng magising ito sa ingay sa katabing bakuran nila na pag-aari ni Mario Dela Cruz.

Narinig nitong sumisigaw si Rudolph Cubangbang ng, ‘Tama na parang awa niyo na’ ng paulit-ulit. Sumilip siya sa bakod at kitang-kita umano niya na pinapalo ni Harold Dela Cruz o “Along” ng tubong bakal si Rudolph habang si Mario ay kahoy naman ang ginagamit na pamalo.

Nang napa-upo na si Rudolf at napasandal sa bakod na parang naghihingalo ay sinabihan umano ito ni Along na ‘Nagkamali ka ng binangga’.

Binuhat ni Mario ang malaking bato at ibinagsak sa ulo ni Rudolph at ng mapahiga ito  ay pinagtulungan siyang hilahin ng magkapatid na Mario at Along mula sa tabing bakod papunta sa may harap ng kanilang banyo.

Maya-maya ay dumating naman ang kapatid nilang pulis na si Haluwi Dela Cruz Jr., nakita umano ni Edilberto ng binunot nito ang kanyang baril at nagsalita ng ganito: ‘Ito ba? Ito bang hayop na ito?’ sabay  tutok ng baril sa nakahiga ng si Rudolph at ng sa­bihin daw ni Haluwi na, “Putukan ko na”, ay yumuko ito at nag­takip ng kanyang tenga.

Sinabi pa ni Edilberto na dumating ang mga magulang ng magkakapatid na sina Carmen at Haluwi Dela Cruz. Hinila umano sila ng mga ito paalis sa tabi ni Rudolph. Nang sila ay makaalis ay tinignan niya si Rudolph. Nakita niyang wala na itong buhay. Nila­labasan pa ito ng dugo sa bibig at ulo.

Sa Sinumpaang Salaysay naman na ibinigay ng isa pa nilang testigo na si Myrna Evangelista, sinasabi niyang habang sila ay natutulog kasama ang kanyang asawa at anak sa bahay ng bayaw niya na si Carlo Evangelista ay nakarinig ito ng sigawan na nang­gagaling sa katabi nilang bakuran na pag-aari nila Mario dela Cruz.

Nang siya ay magising dahil sa ingay ng sigawan ay sumilip silang mag-anak sa bintana na jalosy ng kanilang tinutulugan. Nakita ni Myrna na pinagtutulungan bugbugin ng magkapatid na Mario at Harold o Along si Rudolph.

Nakita niyang pinapalo ni Along ng tubong bakal si Rudolph habang si Mario ay may hawak ng malaking bato at tirador. Sinabi din ni Myrna na nung mga oras ding ‘yun ay nandoon din si Marlo Ecdaw na bayaw ng magkapatid.

Noong nakahiga na si Rudolph ay patuloy pa rin umano itong pinapalo ni Harold habang si Mario naman ay hawak ang kanyang cellphone at tumatawag. Sumenyas pa umano si Mario kay Harold na ipagpatuloy ang pagpalo.

Maya-maya pa ay dumating ang kanilang kapatid na pulis. Ito ay si SPO1 Haluwi Dela Cruz Jr., may hawak itong baril at lumapit kay Rudolph na noon ay nakahiga na sa lupa.

Narinig umano ni Myrna na pinalabas ni Haluwi si Marlo saka itinutok ang kanyang baril kay Rudolph na akmang babarilin. Sinabihan naman ito ni Marlon ng, “Huwag mo ng ituloy ‘yan bayaw at patay na ‘yan.”

Ayon pa sa salaysay ni Myrna na habang binubugbog si Rudolph ay narinig niya itong sumisigaw ng, “Tama na,” ng paulit-ulit habang si Harold naman ay sumisigaw ng “P%#@ng !n@ mo nagkamali ka ng kinalaban, pumasok ka pa sa bakuran namin”.

Sa puntong ito ay gusto kong sabihin na maraming dahilan ang mga testigo para magtago o umatras pero hindi niyo ba naisip na maari kayong balikan ng mga ito?

Kami dito sa aming programa ay nananawagan sa mga testigo sa ginawang pagpatay kay Rudolph na ‘wag ng matakot. Ang tanging kailangan niyong gawin ay magsalita.

Mayroon tayong programang witness protection program. Layunin nitong protektahan ang mga kababayan nating naglakas loob na tumulong sa kapwa para magbigay linaw sa kasong ipinaglalaban nito.

Ang mga magulang ni Rudolph ay nananawagan sa pag­kamatay ng kanilang anak. Sana ay hindi ito mangyari sa inyo.

Sa ganang akin nais ko ring paalala kina Edilberto at Myrna Evangelista NA HINDI RIN KAYO LIGTAS dahil alam ng mga taong nasa likod ng krimen na ito na meron kayong nalalaman. Hanga’t buhay kayo maari kayong magsalita at maging kapahamakan nila.

Para sa inyong COMMENTS o REACTIONS maaari kayong mag-text sa 09213263166 o 09198972854. Maaari din kayong tuma­wag sa 6387285 o ’di kaya sa 6373965-70. Maaari din kayong mag-email sa [email protected].

For: Mr. Tony Calvento

NAIS ko lamang magbigay daan sa “request” ng isang kaibigan at laging tumutulong sa ating mga kababayan dito sa “CALVENTO FILES’ si P/Supt. Nelissa Geronimo.

Nagpapasalamat ang PSOBC Class 2007-82 sa pangu­nguna ni P/INSP.  JOHNNY M. GOLINGAB at P/INSP. ROLANDO M. GERONIMO at ang kanyang mga kasamahan kay LAS PIÑAS POLICE STATION CHIEF OF POLICE PSSUPT AMANDO CLIFTON EMPISO at Elias Aldana, Brgy. Chairman Rod Garcia sa kanilang mainit na pagtanggap at pagbibigay daan upang sila daw ay maging bahagi ng kanilang BARANGAY UGNAYAN.

KANILANG

MARIO

MYRNA

RUDOLPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with