EDITORYAL — Bantay Bayan laban sa katiwalian
MARAMING magandang nangyari mula nang lumantad si Rodolfo Lozada Jr. bilang testigo ng maanomalyang national broadband network (NBN). Mas marami ang nakikisimpatya kay Lozada sapagkat naibulgar nito ang iba pang kontrata ng gobyerno na overpriced pala. Ayon kay Lozada, 20 percent ang pinapatong sa mga proyekto ng gobyerno para magkamal ng malaking komisyon ang mga opisyal na matatakaw sa pera. Kung
Maganda ang nangyayari sa paglantad ni Lo- zada sapagkat maraming grupo na ang nagbaba- lak na magbuo ng samahan para mag-audit sa mga pinapasukang kontrata ng gobyerno. Kung magkakaroon ng grupong mag-aaudit sa mga proyektong overpriced ang halaga, mababawasan na ang malalaking komisyon na kakamalin ng mga matatakaw.
Isinusulong ng mga civil society groups ang “Independent Citizens Debt Audit Commission” para magsagawa ng pagsisiyasat sa mga kontrata ng gobyerno. Sinabi ng Freedom for Debt Coalition (FDC) at ng People Against Illegitimate Debt (PAID) na ang pagbubuo ng independent commission ang makapipigil sa mga katiwaliang nagaganap sa kasalukuyan na katulad ng NBN deal na si Lozada nga ang naglalantad sa kasalukuyan.
Maganda ang balak na ito para mapigilan ang walang katapusang pagnanakaw sa pamahalaan. Isang malayang commission ang dapat para mapigilan na ang mga matatakaw na pinatutunayan ni Lozada sa kanyang testimonya.
- Latest
- Trending