SANA magsilbing leksiyon sa hanay ng kapulisan ang kaso ni PO2 Julius Garcia ng MPD Station 7 sa Tondo. Si Garcia kasi ay inisyuhan ng warrant of arrest ni Judge Antonio de Castro ng Manila RTC Branch 03 bunga sa kasong robbery. Iniutos din ni Judge de Castro na maglagak ng P100,000 bail si Garcia para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Sa tingin ko kasi mga suki, hindi dapat pamarisan ng kapulisan si Garcia, na ginamit ang kanyang tsapa at baril para isulong ang kanyang mga pangarap sa buhay. At higit sa lahat, nakasakit siya ng kapwa niya Pinoy, na taliwas sa sinumpaan niyang maglingkod sa bayan, he-he-he! nagbayad din ng utang si Garcia.
Si Garcia kasi mga suki ay inakusahan ni Elizabeth Pagkalinawan na nanghablot ng Nokia cell phone nito sa loob mismo ng opisina ni Fiscal Alexander Ramos sa Manila prosecutor’s office. Si Pagkalinawan ay nandoon sa naturang lugar bunga sa complaint sa kanya na drunkenness, disorderly conduct at light threats.
Habang ang pulis na escort niya at isa pang kasamang babae ay nasa toilet, nilapitan ni Garcia, na nakasuot ng basketball shirt at maong pants si Pagkalinawan at tinanong kung ano ang kaso niya. Matapos ang ilang sandali, hinablot ni Garcia ang cell phone ni Pagkalinawan sabay sabing, “Akin na itong cellphone mo!” Nagulantang si Pagkalinawan at sa sobrang takot ay hindi na nakakibo habang palayo ang suspect. Nakilala si Garcia ng rebisahin ni Fiscal Ramos ang files niya. At kinasuhan ng robbery si Garcia sa sala ni De Castro.
Ang kaso ni Garcia ay nangyari pa noong Agosto 15, 2004. At isiniwalat ko ito dito sa aking kolum noong Agosto 19. Hindi sana lumaki ang kaso kung isinauli ni Garcia ang nakulimbat niyang cell phone ni Pagkalinawan. Maging si Supt. Romulo Sapitula, hepe ng MPD-Station 3 ay nakiusap rin kay Garcia na isauli na ang gamit ni Pagkalinawan su-balit hiniya siya ng huli. Subalit nang malaman niyang sinampahan siya ng kaso, isinauli ni Garcia ang cell phone sa isang desk officer. He-he-he! Kapal ng apog nitong si Garcia, ‘no mga suki?
Ang masama n’yan, hindi tinantanan ni Pagkalinawan si Garcia kaya’t hayun inisyuhan siya ng arrest warrant ni Judge de Castro. Imbes kasi na pagsilbihan ang kanyang kabababayan, tulad ng kanyang sinumpaan, aba inabuso ni Garcia ang tsapa at baril niya, di ba mga suki? Kaya’t wala nang kawala sa hustisya itong si Gar-cia bunga sa hahanapin na siya ng kanyang mga kapwa pulis para iharap kay Judge de Castro.
Ano kaya ang nagtulak kay Garcia para sunggaban niya ang cell phone ni Pagkalina-wan?
Sa halagang P3,500 na cellphone, aba barya lang ito kung ihambing sa P100,000 na pi yansa niya, di ba mga suki? Kaya’t kayong mga suki kong mga pulis diyan, ‘wag pamarisan si Garcia ha?
Abangan!