^

PSN Opinyon

Kuwento ng pulis na nanghablot ng cell phone

- Bening Batuigas -

SANA magsilbing leksiyon sa hanay ng kapulisan ang  kaso ni PO2 Julius Garcia ng MPD Station 7 sa Tondo. Si Garcia kasi ay inisyuhan ng warrant of arrest ni Judge Antonio de Castro ng Manila RTC Branch 03 bunga sa kasong robbery. Iniutos din ni Judge de Castro na magla­gak ng P100,000 bail si Garcia para sa kanyang pansa­mantalang kalayaan. Sa tingin ko kasi mga suki, hindi dapat pamarisan ng kapulisan si Garcia, na ginamit ang kanyang tsapa at baril para isulong ang kanyang mga pangarap sa buhay. At higit sa lahat, nakasakit siya ng kapwa niya Pinoy, na taliwas sa sinumpaan niyang        mag­ling­kod sa bayan, he-he-he! nagbayad din ng utang si Garcia.

Si Garcia kasi mga suki ay inakusahan ni Elizabeth Pagkalinawan na nanghablot ng Nokia cell phone nito sa loob mismo ng opisina ni Fiscal Alexander Ramos sa Manila prosecutor’s office. Si Pagkalinawan ay nandoon sa naturang lugar bunga sa complaint sa kanya na drunkenness, disorderly conduct at light threats.

Habang ang pulis na escort niya at isa pang kasamang babae ay nasa toilet, nilapitan ni Garcia, na nakasuot ng basketball shirt at maong pants si Pagkalinawan at tina­nong kung ano ang kaso niya. Matapos ang ilang sandali, hinablot ni Garcia ang cell phone ni Pagkalinawan sabay sabing, “Akin na itong cellphone mo!” Nagulantang si Pagkalinawan at sa sobrang takot ay hindi na nakakibo habang palayo ang suspect. Nakilala si Garcia ng rebisahin ni Fiscal Ramos ang files niya. At kinasuhan ng robbery si Garcia sa sala ni De Castro.

Ang kaso ni Garcia ay nangyari pa noong Agosto 15, 2004. At isiniwalat ko ito dito sa aking kolum noong Agosto 19. Hindi sana lumaki ang kaso kung isinauli ni Garcia ang nakulimbat niyang cell phone ni Pagka­li­nawan. Maging si Supt. Ro­mulo Sapitula, hepe ng MPD-Station 3 ay naki­usap rin kay Garcia na isauli na ang gamit ni Pagkalinawan su-balit hiniya siya ng huli. Su­balit nang malaman niyang sinam­pahan siya ng kaso, isinauli ni Garcia ang cell phone sa isang desk officer. He-he-he! Kapal ng apog nitong si Garcia, ‘no mga suki?

Ang masama n’yan, hin­di tinantanan ni Pagkalina­wan si Garcia kaya’t hayun inisyuhan siya ng arrest warrant  ni Judge de Castro. Imbes kasi na pagsil­bihan ang kanyang kabababayan, tulad ng kanyang sinum­paan, aba inabuso ni Garcia ang tsapa at baril niya, di ba mga suki? Kaya’t wala nang kawala sa hustisya itong si Gar-cia bunga sa hahana­pin na siya ng kanyang mga kapwa pulis para iharap kay Judge de Castro.

Ano kaya ang nag­tulak kay Gar­­­cia para sung­gaban niya ang  cell phone ni Pag­kali­na­-wan?

Sa hala­gang P3,500   na cell­phone, aba bar­ya lang ito kung iham­bing sa P100,000 na pi­ yan­sa niya, di   ba mga suki? Kaya’t ka­yong mga suki kong mga pulis di­yan, ‘wag pa­ma­risan si Gar­cia ha?

Abangan!

GARCIA

PAGKALINAWAN

SHY

SI GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with