Valeroso, madaling makita kung gustong ipakita
KUNG talagang sincere ang mga handler ni Rodolfo Valeroso, a.k.a SPO4 Roger Valeroso, ang taong kasama nina retired General Angel Atutubo at Engineer Bing Lina na sumundo kay Engineer Rodolfo Noel ‘Jun’ Lozada ng dumating ito sa NAIA from
Si PNP-Aviation Security Group Director Atilano Morada, lamang ang susi dito.
Bakit?
Si Morado ang amo ni Valeroso!
Ngayon ang balita hide and seek na si Valeroso.
Patayin kaya si Valeroso para hindi na siya lumutang sa Senado?
Iyan sila lang ang makakasagot.
Si Valeroso ay gustung-gustong makausap ng mga Senador sa ginagawang imbestigasyon ngayon sa Senado lalo sa isyu ng kidnapping.
Hindi birong tao si Valeroso isa itong tired este
Sabi nga, sanay sa combat!
Madaling palutangin si Valeroso basta gusto siyang palutangin ng kanyang handler para humarap sa Senate hearing. Tama ba, General Morada, Sir?
Ano bang meron kay Valeroso at itinatago pa ito?
Baka magisa sa Senado at magsalita ng totoo? Dapat lang hindi ba.
Ika nga, thruth shall prevail!
Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit ayaw at itinatago pa si Valeroso ng kanyang mga handler. Hindi ba nila alam na sila ang maiipit dito kapag nagkataon. Tama ba, Senator Allan Peter Cayetano, Your Honor?
Abangan.
Harry taranta bilang na ang araw mo!
ISANG malaliman investigation ang isinasagawa ngayon sa BIR Olongapo kung sinu-sinong bugok na official todits ang kasabwat ni Harry taranta, ang notorious fixer/swindler na nagpapakilala pang deputy BIR Regional Director para kotongan ang mga taxpayer dito.
Ayon sa impormasyon nakalap ng mga kuwago ng ORA MISMO, gugulong ang mga ulo ng mga gagong taga - BIR na kasabwat ni Harry taranta ilang araw mula ngayon.
Si Harry taranta, ang notorious fixer/swindler ay kumikita ng malaki kasabwat ang mga handler niyang bugok na empleado ng BIR para kotongan ang malalaking negosiante na may malaking problema sa pagbubuwis.
Ang grupo ni Harry taranta ang umaayos ng problema ng mga negosiante na nagpapalusot para magbayad ng tamang buwis sa gobierno.
Imbes na sa gobierno mapunta ang ibabayad na tamang buwis ay sa bulsa ng grupo ni Harry taranta napapasok ang pera para sa gobierno.
Makikita ito sa BIR Olongapo dahil ang mga bugok na em pleado dito ay mataas ang ‘standard of living’.
Sabi nga, mga magagarang sasakyan, rolex ang mga suot na relo, naglalakihan bato ng mga singsing, kuwintas nasa mamahaling eskuelahan nag-aaral ang mga anak echetera.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, Kung ang sueldo lamang ng mga BIR employees ang pagbabatayan hindi nila kayang bumili ng luho sa kanilang sarili.
‘Bakit pinapayagan ng BIR Olongapo na makapasok ang isang fixer sa kanilang office?’ tanong ng kuwagong na-onse.
‘May mga bugok na umaalalay kay Harry taranta’ sagot ng kuwagong SPO10 sa Crame.
‘May office ba si Harry kamote este
‘Kamote, ito ang ipasisilip natin.’
Abangan!
- Latest
- Trending