NAPAKARAMING pangyayaring naganap nitong nakaraang Biyernes. Mga pangyayaring nakagugulat, nakababahala, nakalilito! Tumestigo na si ZTE/NBN star witness na si Rodolfo “Jhun” Lozada Jr. sa Senado, kasama ang mga madre at iba pang miyembro ng simbahan mula sa De La Salle Greenhills. At nagbigay siya ng pahayag na maaaring ihambing sa isang matinding bomba laban sa mga pangunahing nadadawit ngayon sa anomalyang ito. Kinumpirma ni Lozada ang mga unang pahayag ni Joey De Venecia ukol sa naeskandalong transaksyong ito, na umano’y $130-milyon ang ipinatong sa orihinal na presyo ng kontrata. At ang nakalululang halagang ito umano’y komisyon ni dating Comelec Chairman Ben Abalos para sa kanyang pamamagitan dito. 130 milyong dolyar! 6.5 bilyong piso lang naman ito sa palit na P50=$1 noong panahong iyon, mga kababayan! Kaya sisiw nga naman ang P200-milyon na inalok umano kay Romulo Neri para sa kanyang pag-aapruba ng proyekto, kung sakali. Ibinunyag din ni Lozada na minura at binantaan siya nang husto ni Abalos nang malaman nitong umaalma sa ipinatong na halagang komisyon itong si Lozada. Eh di ba, ganun din ang mga ibinunyag ni Joey De Venecia? Kaya nadagdagan na naman ang piyesa sa palaisipan na ito. Talagang ang mga nalalaman na lang ni Romulo Neri ang kulang para mabuo na nang tuluyan ang misteryong ito, na matagal na rin nating pinaghihinalaan at ngayon ay parang sibuyas na unti-unting tinatalupan at pasangsang nang pasangsang ang amoy. Pero sabi nga ni Jun Lozada, namili na ng kakampi ang kaibigang si Neri. Tila tanging ang pagkakaibigan na lang nila ni Lozada ang nakahadlang sa tuluyang pagkasira ni Neri dito.
Sang-ayon ako sa pahayag ni Sen. Alan Cayetano — na mas seryosong krimen ang pagkakadampot kay Lozada ng umano’y mga tauhan ng PNP sa airport noong makabalik siya galing Hong Kong. Labag sa kaalaman at kagustu- han niya, Iba-ibang mga pahayag ang sinasabi ni PNP Chief Gen. Avelino Razon, ni Sec. Lito Atienza, pati na rin si dating DENR Sec. Mike Defensor taliwas sa mga detalyadong kuwento ni Lozada sa Senado! Kanya-kanyang pagtatanggi ang kasalukuyang ginagawa ng mga tao ni Arroyo, na tila hindi matahi-tahi ang kuwento nila hanggang sa nagsalaysay na si Lozada. Lumabas din na kayang ma-intercept umano ang mga text messages ng sinuman! May mga radyo raw ang mga kumidnap kay Lozada na malalaman ang mga nangyayari sa halos lahat ng sangay ng gobyerno kasama na ang Senado. Kinakailangang mabigyan ito ng liwanag — sapagka’t pinapakita lang sa lahat sa atin, kung paniniwalaan si Lozada, kung gaano kadali saka lin at tuluyang patayin ang ating mga payak na karapatan at mameligro ang ating buhay o kaligtasan — saan man o sino man. Nagmi mistulang martial law na. Pinatutunayan lamang ng administrasyong Arroyo kung gaano ito kadesperadong mapatahimik ang sinumang may kinalaman sa mga anomalya ng ZTE/NBN.
Sa kanilang malamyang mga tangka ay sinubukan ng mga maka-administrasyong Senador na sirain ang kredibilidad ni Jun Lozada. Nang isiwalat ni Sen. Miriam Santiago ang umano’y mga anomalya rin ni Lozada bilang presidente ng Philippine Forest Corporation, inamin naman ito ni Lozada, at sinabing hindi naman siya nagmamalinis, may mga ginawa rin siyang mga kamalian noon, at siya’y hindi isang bayani. Pero hindi na raw niya sasayangin ang kanyang natitirang dignidad para sa garapal na anomalyang ito. Walang maisagot si Sen. Santiago at natapos ang usapan! Lalo lamang tumatag ang kredibilidad ni Lozada sa mata ng pub-liko. At si Sen. Enrile naman, moralidad ni Lozada ang kinuwestyon. Hindi yata bagay sa butihing Senador ang magsalita ukol sa moralidad.
Lumang tugtugin na ang pilit na pagbaliktad ng gobyerno ni Arroyo sa mga kritiko nito. Para sabihin ng Palasyo na ang pagpupursigi ng Senado sa pag-iimbestiga sa ZTE/NBN Deal ay para pabagsakin lamang ang administrasyong Arroyo at bahagi lang ng pangangampanya ng iilang senador para sa halalan sa 2010 ay malinaw na paglilihis sa mga tunay at mahalagang isyu.
Ayon sa mga nag-aanalisa sa pulitika maaaring si Jun Lozada na ang pinakahihintay na sangkap para “mabuo ang cake”. Icing na lang daw kung magsasalita pa si dating NEDA Chairman Romu-lo Neri na ayaw pa ring magsalita sa Senado. Isang tao lamang si Jun ngunit posibleng malaki at malawak ng implikasyon sa kapahamakan ng kan-yang testimonya laban kay Arroyo. Lumalabas na ngayon ang ilan pang mga proyektong kinukuwestiyon tulad ng Northrail at Southrail projects. May mga lumalabas nang proyekto na ilang ulit na mas malaki ang halaga di hamak kaysa sa ZTE-NBN Project. Isa ma mo pa ang mga pinahayag ni dating Speaker Jose de Venecia na, ang balita ko ay magpapasabog ng isang matindi sa mga darating na araw. Eh iyong mga namumuro na mga isyung wala pa ring sagot? Fertilizer Fund Scam, CyberEd, Macapagal Highway, Garci Tapes?
Ngayon ay panahon para maging mapagbantay. Kasalukuyang isinusulat ang kasaysa-yan. Huwag magpaiwan sa mga pangyayari at balita at sa mga pagkakataong maaaring magbigay partisipasyon sa paghubog ng ating kasalukuyan at kinabukasan. Baka marami pa ang lumabas na rin para maging mga buhay na bayani. Hello? Hello, Neri?