^

PSN Opinyon

Ang pagpapasabog ni Jun Lozada

K LANG? - Korina Sanchez -

NAPAKARAMING pangyayaring naganap nitong naka­raang Biyernes. Mga pangyayaring nakagugulat, nakaba­bahala, nakalilito! Tumestigo na si ZTE/NBN star witness na si Rodolfo “Jhun” Lozada Jr. sa Senado, kasama ang mga madre at iba pang miyembro ng simbahan mula sa De La Salle Greenhills. At nagbigay siya ng pahayag na maaaring ihambing sa isang matinding bomba laban sa mga pangunahing nadadawit  ngayon sa anomalyang ito. Kinumpirma ni Lozada ang mga unang pahayag ni Joey De Venecia ukol sa naeskandalong transaksyong ito, na umano’y $130-milyon ang ipinatong sa orihinal na presyo ng kontrata.  At ang nakalululang halagang ito umano’y komisyon ni dating Comelec Chairman Ben Abalos para sa kanyang pamamagitan dito.  130 milyong dolyar! 6.5 bilyong piso lang naman ito sa palit na P50=$1 noong panahong iyon, mga kababayan! Kaya sisiw nga naman ang P200-milyon  na inalok umano kay Romulo Neri para sa kanyang pag-aapruba ng proyekto, kung sakali. Ibinunyag din ni Lozada na minura at binantaan siya nang husto ni Abalos nang malaman nitong umaalma sa ipi­natong na halagang komisyon itong si Lozada. Eh di ba, ganun din ang mga ibinunyag ni Joey De Venecia? Kaya nadagdagan na naman ang piyesa sa palaisipan na ito. Talagang ang mga nalalaman na lang ni Romulo Neri ang kulang para mabuo na nang tuluyan ang mister­yong ito, na matagal na rin nating pinaghihina­laan at ngayon ay parang sibuyas na unti-unting tinatalupan at pasangsang nang pasangsang ang amoy.  Pero sabi nga ni Jun Lozada, namili na ng kakampi ang kaibigang si Neri. Tila tanging ang pagkakaibigan na lang nila ni Lozada ang nakahadlang sa tuluyang pagka­sira ni Neri dito.

Sang-ayon ako sa pahayag ni Sen. Alan Cayetano —  na mas seryosong krimen ang pagkakadampot kay Lozada ng umano’y mga tauhan ng PNP sa airport noong makabalik siya galing Hong Kong. Labag sa kaalaman at kagustu­- han niya, Iba-ibang mga pahayag ang sina­sabi ni PNP Chief Gen. Avelino Razon, ni Sec. Lito Atienza, pati na rin si dating DENR Sec. Mike Defensor taliwas sa mga detalyadong ku­wento ni Lozada sa Se­nado! Kanya-kan­yang pag­tatanggi ang kasalukuyang ginaga­wa ng mga tao ni Arroyo, na tila hindi matahi-tahi ang kuwento nila hanggang sa nagsalay­say na si Lozada. Lu­mabas din na kayang ma-intercept umano ang mga text messages ng sinuman!  May mga radyo raw ang mga kumidnap kay Lozada na malalaman ang mga nang­yayari sa halos lahat ng sangay ng gobyerno kasa­ma na ang Senado.  Kina­kailangang mabigyan   ito ng liwanag — sa­pag­ka’t pinapakita lang sa lahat sa atin, kung pani­niwalaan si Lozada,  kung gaano kadali saka­ lin at tulu­yang patayin ang ating mga payak na karapa­tan at ma­meligro ang ating buhay o kalig­ta­san — saan man o sino man. Nagmi­ mistulang martial law na.  Pinatu­tu­na­yan lamang ng ad­mi­nistrasyong Arroyo kung gaano ito kades­pe­radong mapatahimik ang sinu­mang may ki­na­laman sa mga ano­malya ng ZTE/NBN.

Sa kanilang malam­yang mga tangka ay si­nubukan ng mga maka-adminis­trasyong Senador  na sirain ang kre­dibilidad ni Jun Lozada. Nang isiwalat ni Sen. Miriam Santia­­go ang umano’y mga anomal­ya rin ni Lozada bilang presi­den­te ng Philippine Forest Corporation, inamin naman ito ni Lozada, at sinabing hindi naman siya nag­ma­malinis, may mga ginawa rin siyang mga ka­malian noon, at siya’y hindi isang baya­ni. Pero hindi na raw niya sasayangin ang kan­yang natitirang dig­nidad  para sa garapal na  anomalyang ito. Wa­lang maisagot si Sen. Santia­go at natapos ang usa­pan! Lalo la­mang tuma­tag  ang kre­dibilidad ni Lozada sa mata ng pub-li­ko.  At si Sen. Enrile na­man, moralidad ni Lozada ang kinuwestyon. Hindi yata bagay sa butihing Senador ang magsalita ukol sa moralidad. 

Lumang tugtugin na ang pilit na pagbaliktad      ng gobyer­no ni Arroyo sa   mga kritiko nito.  Para sa­bihin ng Palas­yo na ang pagpupursigi ng Senado sa pag-iimbestiga sa ZTE/NBN Deal ay para pabag­sa­kin lamang ang admi­nis­tras­yong Arroyo at bahagi lang ng panga­ngampanya ng iilang senador para sa hala­lan sa 2010 ay mali­naw na paglilihis sa mga tunay at mahalagang isyu. 

Ayon sa mga nag-aa­nalisa sa pulitika maaaring si Jun Loza­da na ang pi­nakahi­hintay na sang­kap para “mabuo ang cake”.  Icing na lang daw kung magsasalita pa si dating NEDA Chairman Ro­mu-lo Neri na ayaw pa ring mag­salita sa Senado. Isang tao lamang si Jun ngunit posibleng malaki at mala­wak ng implikasyon sa kapaha­makan ng kan-yang testimonya laban   kay Arroyo.  Luma­labas na nga­yon ang ilan pang mga proyektong  kinuku­westi­yon tulad ng Northrail at Southrail projects.  May mga lumalabas nang proyekto na ilang ulit na mas malaki ang halaga di hamak kaysa sa ZTE-NBN Project.  Isa­ ma mo pa ang mga pina­hayag ni dating Speaker Jose de Vene­cia na, ang balita ko ay magpapa­sabog ng isang matindi sa mga darating na araw. Eh iyong mga namumuro na mga isyung wala pa ring sagot?  Fertilizer Fund Scam, CyberEd, Macapa­gal Highway, Garci Tapes? 

Ngayon ay panahon para maging mapag­ban­tay. Kasalukuyang isi­nusulat ang kasay­sa-yan. Huwag mag­pa­iwan sa mga pang­yayari at balita at sa mga pagka­kataong maaaring mag­bigay partisipasyon sa pag­hubog ng ating kasa­lukuyan at kinabuka­san. Baka marami pa ang luma­bas na rin para maging mga buhay na bayani. Hello? Hello,  Neri?

LOZADA

NERI

PARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with