^

PSN Opinyon

Gustong patahimikin si Jun Lozada

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

SA palagay ko, may masamang balak kay Rodolfo Lozada, Jr. kaya siya “kinidnap” ng mga kalalakihan ha­bang nasa airport ga­ling sa Hong Kong. Dinala siya sa kung saan-saang lugar at dinala sa Laguna. Si Lozada ay witness sa NBN/ZTE deal.

Pero masuwerte pa rin si Lozada at naka­lig­tas siya. Gusto siyang mawala dahil sa ma­aaring ibul­gar niya ang detalye kung pa­pa­anong ang mga mata­taas na opisyal ay makikinabang sa NBN deal. Mabuti naman at listo ang mga ka­mag-anak at kaibigan niya. Si Lozada ay kinuha ni dating NEDA chief Romulo Neri bilang con­sultant ng NBN.

Marami ang nagsa­sabi na kaya kinidnap si Lozada ay dahil mag­hahasik ng lagim at isi­siwalat ang parti­si­pasyon ng mga ta­ong-gob­yerno na kikita ng limpak-limpak na pera. Ayan na nga. Totoo nga ang kinata­takutan nila na ma­aaring gawin ni Lo­zada. Nagsalita na nga si Lozada.

Lumilitaw ngayon na hindi gawa-gawa lamang ni Joey de Ve­necia, anak nang na­pa­­talsik na House Speaker JDV ang gi­nawa ni­yang pagsi­siwalat la­ban kay dating Come­lec Chair­man Benjamin Abalos at First Gentle­man Mike Arroyo. Nag­pahi­watig si Joey na ma­aaring alam ni Pre­sident Arroyo na may mga taong kikita nang malaking pera sa na­sabing tran­saksiyon.

Nang patalsikin si JDV bilang House Speaker, nag-privi­lege speech siya at inilabas ang baho ng mga Arroyo. Kasama na rito ang NBN deal at iba pang mga “money-making pro­jects”.

Kahapon ay huma­rap na sa Senado si Lozada at sana na­man ay magkaroon na ng kalinawan ang ka­song ito at lumantad na ang katotohanan.

BENJAMIN ABALOS

FIRST GENTLE

HONG KONG

HOUSE SPEAKER

LOZADA

MIKE ARROYO

SHY

SI LOZADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with