Giving a bad name to corruption

NAKATATAWA! Puwede pa bang dungisan pa ang cor­ruption? Puwede pala. It seems that some people are giving a bad name to corruption. Kapag ang pangungu­rakot ay hantarang ginagawa sa mismong tungki ng ilong ng taong ninanakawan, hindi ba pagbibigay ito ng (dagdag) na dungis sa korapsyon?

“Moderate the greed.” Iyan daw ang sabi ni dating NEDA Chief sa kanyang assistant na si Jun Lozada para ipa­abot kay dating COMELEC Chair Ben Abalos kaugnay sa nakalululang US$130 million komisyon sa $329 milyong ZTE-NBN deal. Si Lozada ang bagong kontro­bersyal na star witness sa ZTE deal na pamilyar na sa lahat ng tao.  Done voraciously or moderately, greed is evil which mustn’t even be done in moderation. Pinagmu­mura  daw si Lozada mula ulo hanggang paa ni Abalos nang tang­gihan nito na umutang nang malaking halaga para sa  isang proyektong inapruba­han ng Pangulo bilang Build Operate Transfer (BOT) na walang gagastusin ni kusing ang gobyerno.

Ibig sabihin ng BOT ay pribadong kompanya ang gagastos at magtatayo ng proyekto na siya ring mag-ooperate nito para kalaunan ay isalin sa gobyerno ang pag-aari at pamamahala. Pero sa ganyang sistema nga naman, walang sipang patalikod o kickback. Si Lozada ay assistant ni  Romulo Neri nang ang huli’y Secretary General pa ng NEDA. Ayaw pa ring magkomento ni Abalos sa pahayag ni Lozada although sa telebisyon, obyus na obyus na irritable siya sa bagong akusasyon.

Nakakainis. Napagkakaitan ng maraming serbisyo ang mamamayan, maraming naghihirap at hindi maka­pag-aral pero nababalitaan natin ang ganyang mga katiwali­ang ginagawa mismo ng mga taong ina­asahang magpa­palakad ng maayos sa ating pamahalaan.

Show comments