^

PSN Opinyon

Napatalsik na si JDV ngunit may lakas pa rin

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MARAMI ang nakapanood kung paano mapatalsik sa kanyang makapangyarihang posisyon si House Speaker Jose de Venecia. Si JDV ay  beses na nahalal bilang Speaker. Natanggal si JDV pero ayon sa kanya laban iyon sa kanyang kagustuhan, Kagagawan aniya iyon ng mga taong natulungan at nakinabang sa kanya.

Tinutukoy na ang nasa likod ng pagpapatalsik kay JDV ay ang pamilya ni President Arroyo partikular ang dalawang anak nito na sina Pampanga Rep. Mikey Arroyo at Camarines Sur Rep. Dato Arroyo sa tulong ng mga ibang mga matataas na opisyal ng Kampi. Ang Kampi ang personal na partido ni GMA na ang chairman ay si DILG Sec. Ronnie Puno.

Hindi na rin naitago na ang ugat daw ng pagpapatalsik kay JDV ay nang idawit ni Joey de Venecia, anak ni JDV, si First Gentleman Mike Arroyo at pati na rin si Pangulong Arroyo sa NBN/ZTE deal. Ito rin ang dahilan kung bakit nag-resign si Comelec chairman Benjamin Abalos.

Inaasahan na simula pa lamang ito ng matinding palitan ng mga paratang mula ng gabing patalsikin ang dating speaker nang isiwalat nito ang ilang “baho” na diumano ay kagagawan ng mga Arroyo at ng mga kaalyado. Sinabi ni JDV na marami pa siyang isisiwalat laban sa mga Arroyo at sa administrasyon.

Palagay ko kapana-pa­nabik ang kahahantungan ng kontrobersiyang ito. Ang nakakatakot lang luma­labas na sangkot din sa kaguluhang ito ang mga halal ng taumbayan — ang representatives. Sana nga ay kung ano ang maka­kabuti sa mamamayan ang manaig sa mga nasabing kaganapan.

ANG KAMPI

ARROYO

BENJAMIN ABALOS

CAMARINES SUR REP

DATO ARROYO

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HOUSE SPEAKER JOSE

MIKEY ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with