Losing Battles
Mainit na salubong ang binigay ng Lungsod ng Maynila kay Secretary of Defense Gilberto C. Teodoro, Jr., panauhing pandangal sa ginanap na commemmoration ng Battle for Manila sa City Hall.
Ginunita ni Mayor Fred Lim ang mga sundalo at ang mga magiting na mamamayan ng lungsod na nagbuwis ng buhay sa ngalan ng kalayaan. Ang paniwala sa Europa ay ang
Sa City Hall, sa Luneta, sa Kawit – saan mang sangay ng Pamahalaan na may bandilang nakalugay, magugunita natin ang kanilang sakripisyo at itoy pinahahalagahan. Sayang nga lang na kung saan pa mahahanap ang pinakamalaking bandila sa Pilipinas - sa Batasang Pambansa – ay doon pa masasalaula ang kanilang alaala. Salaula dahil kung ano pa itong tinuring na saligan ng ating mga kalayaan – ang sangay na pinakamalapit sa tao dahil pawang mga kinatawan ng mamamayan ang dito’y naninilbihan, ay siya pa ang magiging halimbawa ng pang-abuso ng kalayaan.
Wala sa ulirat ng tao ang mga personalidad na sangkot sa rigodon sa Kongreso. Tanggap ng tao na kung sino ang may bilang ang siyang uupo. May karangalan din naman kahit papaano ang ganitong sistema. Subalit kapag umalingasaw, tulad nung Lunes, ang tunay na dahilan ng pagpalit liderato – at ito’y ang vendetta o paghihiganti – mahirap itong tanggapin na sapat na pamantayan. Dahil paniwala pa rin ang tao na ang kalayaang makapamili ng sariling mga pinuno – kalayaang pinagbuwisan ng dugo ng ating mga bayani – ay napakamahalaga upang sayangin lamang sa mga makasariling dahilan. May magwagi man sa Kongreso, suma total ay lahat pa rin tayo’y talo.
- Latest
- Trending