Huwag!
Madalas kong sabihin sa mga OFW na huwag silang magpaisa, kaya dapat silang magkaisa. Sa wari ko, marami naman ang sumang-ayon sa sinabi ko, kaya marami rin ang nakiisa sa OFW Family Club, sa pamamagitan ng pagsali sa ating samahan. Ganoon pa man, napapansin ko na marami pa rin ang mga biktima ng pang-aapi na lumalapit sa akin na hindi pa kasapi ng club.
Bagamat wala naman akong pinipili sa mga lumalapit sa akin dahil tinutulungan ko naman lahat, mas maganda naman talaga na magpa-member muna ang mga OFW bago sila umalis, dahil may mga ibinibigay kaming mga seminar at payo sa kanila na lalong nagpapatibay ng kanilang kahandaan sa kanilang pag-alis.
Halimbawa, mayroon kaming ibinibigay na Pre-Employment Orientation Seminar (PEOS) at Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) na kapwa naaayon sa mga guidelines na ibinigay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Mahalaga ang kaalaman na galing sa PEOS dahil nakakatulong ito sa mga nagbabalak pa lang na maging OFW upang malaman nila kung ano ang kanilang dapat pag-isipan. Mahalaga rin ang PDOS dahil nalalaman ng mga paalis na OFW kung ano ang kanilang mga dapat gawin at hindi dapat gagawin, kasama na riyan kung ano ang kanilang dapat pag-ingatan.
Madalas ding mangyari na hindi pa nga umaalis ang mga OFW o ’di kaya kararating pa lang nila sa ibang bansa ay may problema na kaagad sila sa kanilang kontrata. Nakakatulong kaagad ang club sa kanila sa pamamagitan ng legal assistance.
Marami pang pakinabang sa club katulad ng medical missions, livelihood assistance at sa paghanap ng mga OFW na nawawala. May mga programa rin ang club upang makatipid ang mga miyembro sa pag-bili ng mga pangangailangan ng pamilya sa pang-araw-araw. Kung may kilala kayong OFW na ’di pa miyembro, sabihan ninyo sila.
* * *
Makinig sa KOL KA LANG sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Mon. to Fri. E-mail: royseneres@ yahoo.com, text 09163490402, dumalaw sa http:/ www.royseneres.com/, tumawag sa 5267522 at 5267515. OFW Family Club
- Latest
- Trending