^

PSN Opinyon

Witch-hunting talaga

- Al G. Pedroche -

KAWAWA naman ang news reporter na si Dana Batnag. Nakakaladkad ang pangalan sa usapin ng pagtakas ni Marine Capt. Nicanor Faeldon sa kasagsagan ng Manila Pen Siege sa Makati noong Nobyembre ng nakalipas na taon.

Hindi direktang tinukoy ng pulisya ang pangalan ni Batnag pero malakas ang pahiwatig na siya ang sinasabing newshen na nag-abot kay Faeldon ng press ID para magpanggap itong reporter at makatakas.

Naunang sinabi ng pulisya na nakunan ng video si Batnag sa aktong nagbibigay ng press ID kay Fael­ don. Pero nang  ipakita sa publiko ang video, walang nakita kundi kausap ni Batnag si Faeldon tulad ng isang reporter na nag-iinterbyu para makakalap ng balita.

Kahit ang Malacañang at si Justice Secretary Raul Gonzalez ay kumbinsido na ang ipinakitang video ay walang pinatutunayang umasiste si Batnag sa pagtakas ni Faeldon. There was absolutely nothing proven by the video clip. Hanggang sa ngayon, maliban sa pasaring, hindi direktang mapangalanan ng pulisya si Batnag. Pero dapat lang at napapanahon nang direktang tumu­ koy ng panga­lan ang pulisya para hindi mababahiran ng hinala ang lahat nang lady reporters na nag-cover sa Manila Pen siege. Nakalulungkot ta­laga. Obviously, the police simply wants to justify the arrest of several media people including TV crew and photographers na nag-cover sa siege. 

BATNAG

DANA BATNAG

FAELDON

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

MANILA PEN

MANILA PEN SIEGE

MARINE CAPT

NICANOR FAELDON

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with