‘May ulcer po ang ina ko’
Ang pagpapalipas daw ng gutom ang dahilan ng ulcer. Ganito ang madalas marinig sa maraming tao. Masa-sabi ko lang na walang tiyak na dahilan kung bakit nagkakaroon ng ulcer. Sinasabing dahil ito sa pagpapalit ng mucous membrane sa lining ng sikmura. Itinuturo ring dahilan ang mucus secretion, acid at ang pepsin production.
Ang ulcer ay maliit na bahagi lamang sa lining ng sikmura na may sukat na 15 hanggang 25 mm. Ito ay hugis oval.
Hindi pangkaraniwang sakit ang nararanasan ng may ulcer. Masakit sa harapan at sa dakong likod at mas masakit bago kumain. Makararanas ng nausea at parang nakalutang pagkatapos kumain.
Ipinapayo sa mga may ulcer na huwag magpapakabusog at iwasan din ang mga pagkaing matataba at spicy. Iwasang uminom ng kape, huwag uminom ng alak at manigarilyo.
Maaaring magkaroon ng kumplikasyon dahil sa pagbabara ng stomach outlet. Nararapat dalhin kaagad sa ospital ang may ulcer para maoperahan.
- Latest
- Trending