^

PSN Opinyon

80 counts of poll fraud vs Kabayan?

- Al G. Pedroche -

OBSERBASYON ng kakilala kong abogado na puwedeng maharap sa kaso ng pandaraya sa eleksyon si Vice Pre­sident Noli de Castro kahit pa dinismis na ng Pre­sidential Electoral Tribunal ang protesta ni Sen. Loren Legarda kaugnay ng pandaraya sa nakalipas na vice presidential polls.

Ayon kay Atorni, 80-counts ng election fraud ang puwedeng ikaso kay Vice President Noli de Castro sa Lanao del Sur pa lang kaugnay ng 2004 vice presidential election.

Okay naman kay Loren na madismis ang kaso pero hindi sa dahilang “walang ebidensya” gaya ng tinuran ng PET kundi dahil sa abandonment. Ibig sabihin, nga­ÃƒÆ’¢â‚¬â€˜yong Senadora na si Loren, wala na siyang interes mag­habol sa posisyon ni de Castro. Pero masakit daw ang loob ni Loren dahil ang ginawang dahilan ng PET ay “kawalan ng ebidensya” gayung nagdudumilat daw ang kati­bayang iprinisinta ng kanyang kampo. Ayon kay Atorni, puwedeng ibase ang  80 counts sa 80 pekeng election returns (ERs) mula sa Lanao del Sur na iprinisinta ni Legarda bilang ebidensya ng pandaraya sa harap ng PET.

Peke umano ang 80 ERs mula sa Kongreso ayon sa pahayag sa PET ng Ernest Printing at ng noo’y Comelec chair na si Benjamin Abalos, na nagsabing walang secu­rity markings ang mga ito.  Ikinumpara rin ang sinasabing fake Congress ERs sa genuine ERs na mula naman sa Comelec, NAMFREL,  Koalisyon ng Nagkakaisang Pili­pino (KNP) at ERs mula sa ballot boxes. Sa genuine ERs ay si Legarda ang nagwagi sa Lanao del Sur, ngunit sa pekeng ER ay si De Castro ang “nanalo.”  Ang pekeng ERs ay patunay rin na nagkamali ang PET sa pagdismis sa protesta ni Legarda batay sa sinabi nitong pagkabigo umano ni Legarda na magbigay ng ebidensya. 

Anang igan ko, ang umano’y pekeng ER ay sumuporta rin sa mga report na ang Batasang Pambansa kung saan itinabi ang mga Congress ER ay pinasok ng ilang beses upang mapalsipika ang mga ER doon.  Well, well, talking about “fake Ers” – to err is human but to deliberately or inten­tionally err is another story that merits further investigation kung ang hangarin natin ay malinis ang buong sistema ng gobyerno lalo na pag­dating sa eleksyon.

vuukle comment

ATORNI

AYON

ERS

LANAO

LEGARDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with