^

PSN Opinyon

Sistemang halalan repormahin muna

SAPOL - Jarius Bondoc -

PARA kay Kit Tatad, dating reporter, press secretary at senator, ang media ay lulong sa pagbalita kung sinu-sino ang tatakbo para Presidente sa 2010. Pati ‘yung isyu kung puwede kumandidato muli si Joseph Estrada ay labis raw ibinabalita. Mali raw ang mga usaping binibigyan-pansin ng media.

Sa dakong pulitika naman, lulong ang oposisyon sa pagpapatalsik kay Gloria Arroyo. At abala naman ang administrasyon sa pagkapit sa poder. Nauubos lang daw ang sigla ng magkabilang panig sa guniguni.

Samantala, patuloy na naghihirap ang masa. Hindi magkasundo ang pamunuan sa solusyon. Parang panahon nina Rizal at Bonifacio, ani Tatad, tinatanong ng mga intelektuwal kung reporma o rebolusyon ang dapat.

Narinig daw niyang magpaliwanag si dating South     African president Frederik de Klerk kung paano nila   wina­kasan ni Nelson Mandela ang pag-aalipin sa mga Itim. Simple lang aniya ang sagot ni de Klerk. Nilagay daw niya ang sarili sa kalagayan ng kabilang panig at inintindi kung bakit ninanais ng kalaban (sina Mandela) ang kung ano mang pakay nito.

Ani Tatad, dapat tularan ang ehemplo nina de Klerk at Mandela na imbis na magkatayan ay nag-usap at nagka­sundo sa mga hakbangin. Maaari raw umupo ang admi­nistrasyon at oposisyon para ilatag ang mga tiyak na kapwa nilang nais na pagbabago.

Isa sa tiyak na pagkakasunduan nila ay reporma at paglilinis ng sistemang halalan. Ehemplo, ani Tatad:

• Batas na magpapairal sa pagbawal ng Konstitusyon sa political dynasties;

• Batas sa pagtustos ng Estado sa kampanya ng mga kandidato, para patas ang labanan at walang kikilan kapag nanalo na;

• Batas para otomatikong resigned na ang isang sena­dor na sa gitna ng termino ay tatakbo bilang Presi­dente, Bise, o ano pa mang posisyon;

• Batas na magpapadali sa recall ng isang popular na kandidato na naging imoral o walanghiya; at

• Bagong sistema sa pagboto at pagbilang upang bumilis at luminis.

vuukle comment

ANI TATAD

BATAS

GLORIA ARROYO

JOSEPH ESTRADA

KIT TATAD

KLERK

MANDELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with