EDITORYAL — Katiwalian pa rin ang problema kahit kailan
NAGKAROON ng EDSA Uno at EDSA Dos para patalsikin ang mga pinunong sakim sa kapangyarihan, labis na pagkagahaman sa pera ng bayan at talamak na katiwalian. Ang dalawang EDSA revolutions (February 20-25, 1986 at January 20, 2001) ay kusang sumibol sa makasaysayang EDSA. Nagkaisa at nagkapit-bisig ang taumbayan at nagtagumpay. Dalawang pinuno ang nabunot sa Malacanang dahil sa EDSA revolutions.
Pero hindi pala lubos ang nangyari sa EDSA sapagkat hanggang sa kasalukuyan ang problemang katiwalian sa gobyerno ay patuloy pa ring nangingibabaw. Kung gaano kabigat ang problema sa katiwalian
Noong nakaraang Linggo ay ginunita ang ikapitong anibersaryo ng EDSA Dos na naging dahilan kaya nabunot sa Malacañang si dating President Joseph Estrada. Pumalit sa puwesto si Gloria Macapagal-Arroyo na
Pero hindi iyan ang isyu kundi ang talamak pa ring katiwalian na nangyayari sa kasalukuyan. Kung matindi ang katiwalian sa panahon ni Estrada, mas marami ngayon at tila hindi gumagalaw ang gobyerno para ang mga “malalaki at matatabang isda” ay malambat at maitapon sa aquarium na may rehas. Walang nakikitang ganito ngayon sapagkat ang nalalambat lamang ay mga “payat at maliiit na isda”. Walang kabusugan ang mga tiwali at patuloy sa pagnanakaw.
Ang ganitong kalagayan ng bansa na nakasakmal ang mga tiwali ay inamin ng Malacañang. Ayon kay Presidential Management Staff Cerge Remonde, malaking problema ang katiwalian makalipas ang pitong taon o pagkatapos ng EDSA Dos. Ayon kay Remonde, hindi lamang ang pamahalaan ang namumroblema sa problema ng katiwalian kundi pati na rin ang pribadong sector. Gayunman, sinabi ni Remonde na gumagawa ng hakbang ang pamahalaan para lubos na mapuksa ang mga tiwali. Hindi raw tumitigil ang pamahalaan para malambat ang mga “malalaking isda”. Katunayan daw, may mga nasibak nang government officials ang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) at marami pang sususpindehin.
Mabigat ang problema sa katiwalian noong panahon ni Estrada pero ngayon sa Arroyo administration ay mas matindi pa. Ngayon ay malalaking halaga ang sangkot gaya ng sumusunod: $329.48-million kontrata para sa national broadbandk network (NBN), P780-milyong fertilizer scam ni Jocjoc Bolante, $2-milyon na pangingikil ni dating DOJ Sec. Hernando Perez kay Mark Jimenez kaugnay sa Impsa deal at P500-milyong suhol ng Piatco sa NAIA. Marami pang iba.
Tila tama ang sabi ni Estrada na mas corrupt ang Arroyo admin kaysa kanya.
- Latest
- Trending