I don’t want to think that this administration is slowly intimidating the media with the end in view of muzzling it. But there are strong indications it’s doing so.
Mainit pa rin ang issue tungkol sa pagkakaaresto nung isang taon ng mga kagawad ng media na nag-cover sa Manila Peninsula siege. Nag-uminit lalu ang usapin nang magharap ng petisyon for writ of amparo at writ of prohibition sa Supreme Court ang mga mamamahayag ng ABS-CBN para huwag na raw maulit ang insidente.
Para sa isang media practitioner na tulad ko, talagang karumaldumal at pagsikil sa kalayaan ang pangyayari. Ginagawa lamang ito sa mga police states o mga rehimeng mapanupil at ayaw mailantad ang pang-aabusong ginagawa.
Ngunit imbes na magpetisyon para sa writ of amparo, mas mabuti siguro na nagharap na lang ng class suit ang mga mamamahayag laban sa PNP at iba pang ahensyang may kinalaman sa pag-aresto. Bago sa pandinig natin ang writ of amparo. Sa pagkaalam ko, ito’y hinihingi lang sa Hukuman kung may mga tao nang inaresto at pinipigil pa. Mukhang nalabuan ang Korte Suprema sa petisyon ng mga ABS-CBN newspersons kaya pinagpapaliwanag pa sila within 10-days kung ano talaga ang gusto.
Mabuti’t paliwanag pa lang ang hinihingi. Papaano kung ang Korte ay nagdesisyong pabor sa administrasyon at sinabing talagang mali ang pagko-cover ng media sa mga ganyang police operations? Awtomatikong magiging batas iyan. Parang binigyan ng bala ang pulisya o military, as the case may be, para palayasin o dakpin ang mga media people na kumokober sa mga operasyon nila. Ang opinion ng Korte Suprema ay nagiging bahagi ng aklat ng batas ng alin mang bansa.