EDITORYAL — RP aviation safety siguruhin na!
KUNG hindi na-downgrade ng Federal Aviation Administration (FAA) ang civil aviation safety ng Pilipinas mula Category 1 to Category 2, malamang na hindi kikilos ang gobyerno para solusyunan ang problema. Tutulugan lang hanggang sa magkaroon na nang malaking problema ukol sa aviation. Hindi ligtas ang aviation ng Pilipinas at ito ang nakita ng FAA kaya naman prangkahan nilang ibinaba ang rating. Inireklamo ng FAA ang may kaugnayan sa technical at administrative issues.
Marami ang pumiyak sa ginawa ng FAA na pag-downgrade. Hindi raw makatwiran ang ginawa ng FAA. Hindi dapat ibinaba ang rating sapagkat makaaapekto ito sa pagdagsa ng mga dayuhan sa bansa. Ano na lang ang iisipin ng mga turista at banyaga na hindi pala ligtas ang aviation ng Pilipinas. Sino pa ang pupunta sa bansa kung ganito ang senaryo? Delikadong masyadong magbiyahe sa airport ng Pilipinas.
Walang ibang sinisi sa pag-downgrade ng FAA kundi ang Air Transport Office (ATO). Kailangan nang i-rehabilitate ang ATO sa lalong madaling panahon. Sinibak naman ni President Arroyo ang hepe ng ATO na si Daniel Dimagiba at ipinalit dito si Transportation secretary Leandro Mendoza.
Kailangan lang pala na mag-downgrade ang aviation ng Pilipinas para agarang kumilos ang gobyerno. Hindi makikita ang mga kapalpakan kung hindi pa kumilos ang FAA at prangkahang inilaglag sa Category 2 ang aviation safety.
Kailangang maibalik ang dating pagkakilala sa RP aviation para naman marami rin ang magtiwala. Hindi dapat ipagwalambahala ang ganitong negatibong pagtingin na inilantad sa mundo ng FAA. Hindi dapat maitanim sa isipan ng mga dayuhan na hindi ligtas ang aviation ng Pilipinas.
Sabi ni Secretary Mendoza, ibabalik niya sa loob ng tatlong buwan ang dating pagkakilala sa RP aviation. Sisikapin niyang maibalik ito sa Category 1. Naniniwala naman si
Huwag mapikon o magalit sa pag-downgrade ng FAA sa RP aviation safety. Mabuti nga at mayroong pumupuna o bumabatikos para maitama kung ano ang
- Latest
- Trending