Condom, ipagbabawal

SANGKATUTAK ang mga pa-bright-bright nasumusulsol para ipagbawal na ipatalastas sa media ang kabutihan ng condom para sa family planning kaya naman sangkaterba ang nahihilo todits.

Anong say mo DOH Secretary dengue este mali Duque pala?

Habang tumatanda ang mundo dumarami ang pinoy sa Philippines my Philippines mga 9 million na siguro tayo hindi pa kasama todits ang mga banyagang tsekwa, bombay, Koreano, Arabo echetera na narito sa Republic of the Philippines.

Sabi nga, TNT!

 Anong buti kaya ang magagawa kung ipagbabawal ang condom o contraceptive meds ng mga bright people na kontrabida para gamitin ito?

Kung wala ang mga nasabing meds nakakatiyak kaya tayong hindi darami ang pinoy sa Philippines my Philippines?

Abangan natin ang paliwanag ng gobierno tungkol dito!

Air Philippines, crew thank you

PINASASALAMATAN ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Air Philippines crews na umalalay, ngumiti at nagpakita ng maganda kalooban ng magtungo ang mga kapamilya natin sa Naga last Sunday, morning.

 Ang Air Philippines crews ay sina Gloria Rayo, stewardees, Sherwin Negrillo, steward at Charmaine See, stewardees sila ang sinasaluduhan ng mga kuwago ng ORA MISMO, porke napakaganda ang ngiti at tulong na ibinigay nila.

Sabi nga, keep up the good work!

Ms. Pattie Chong, iba ka talagang magpa-training.  Good luck!

Isabela at Cagayan Valley talamak sa jueteng

NAGTATAKA ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit ayaw kumilos ang LGUs at kapulisan sa Isabela at Cagayan pagdating sa operasyon ng jueteng.

Tinatawagan natin ng pansin sina Isabela Governor Padaca at Cagayan Valley Governor Cuaresma dahil hindi biro ang dayaan bolahan sa inyong jurisdiction kaya naman sangkatutak ang nalululon na constituents ninyo dahil sa sugal na ito.

Si PNP Regional Director Amateo Tolentino, ang nakaka­sakop ng nasabing place.  Samantala si Tony Ong, ang bangka. Isang Pascual, ang bagman. 

Sabi nga, tagapamahala sa bigayan ng pitsa sa mga bugok.

Ito ang lugar ni Governor Padaca, na grabe sa jueteng porke tatlong araw ang bolahan sa Alicia. may P350,000 ang kubransa, Exhague, P400,000, Ilagan, P220,000, Jones P250,000. Quirino P300,000, Roxas P160,000, Cawayan P500,000, Burgos P280,000, Aurora P190,000, Delrin Albano P300,000, San Agustin, P110,000, Santiago P600,000 at San Mariano P220,000.

Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi alam ng mga Mayor ng bawat bayan na sinabi natin ang talamak na bolahan dyan sa mga lugar nila.

Ano kaya ang masasabi ng kanilang Congressman regarding sa jueteng operasyon?  Alam kaya nila ito?

Sa lugar ni Governor Cuaresma dyan sa Cagayan ang mga bayan tulad ng Ambagiou P150,000 ang engreso, Bagabag P250,000, Bambang P190,000, Bayombong P300,000, Quezon P250,000, Solano P350,000, Sta. Fe P220,000, Dubac Sur P180,000 at Dubac Norte P170,000.

Malakas talaga si Tony Ong sa pagbigay ng suhol sa mga bugok porke si Tony Ong pa din ang bangka todits.  Tatlong beses ang bola sa isang araw.

Nagtataka din ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, porke mukhang walang kibo o hindi alam ni Col. Duran ang operasyon ng dayaan bolahan sa kanyang area of res­ponsibilities.

Si Col. Duran, ang provincial commander ng Cagayan siempre si Pascual parin ang tagabigay ng intelihensia sa mga among bugok nito dyan sa Region 2.

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit hindi alam ng mga Mayor at maging ang Barangay official sa bawat bayan na talamak ang operasyon ng jueteng sa kanilang lugar.

Sankaterba ang nalululong dito Governor Cuaresma at Governor Padaca.

‘Aksyunan na kaya nina Gob ang jueteng sa kanilang area’ tanong ng kuwagong kubrador.

‘Sila lang ang makakasagot ng tanong mo kamote’ anang kuwagong nabukulan sa hatian.

‘Ipatigil kaya nina Gob ang jueteng operation sa kanilang mga lugar?’

‘Ano kaya ang masasabi ng mga Mayor at Barangay official tungkol dito?’    tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Ito ang abangan natin!’

‘Ang hulihan ng mga kubrador?’

‘Iyan ang titingnan natin ngayon’

Abangan.

Show comments