Ang kontrobersiya sa TESDA at ang panukala ni Jinggoy
PATULOY na umiinit ang kontrobersiya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), dahil umano sa korapsiyon at sa kabiguan ng ahensiya na gampanan ang tungkulin nito na paunlarin ang kasanayan ng ating mga manggagawa.
Muling napatunayan ang katumpakan at kahalagahan ng panukala tungkol sa TESDA na iniakda ng aking panganay na anak na si Senate president pro tempore Jinggoy Estrada, na chairman ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.
Ayon kay Jinggoy, ang kabiguan ng TESDA ang isa sa mga dahilan kung bakit kaunti ang namumuhunan sa ating bansa at kung bakit napakarami sa mga Pilipino ang walang trabaho.
Base sa datos, 2.6-milyong Pilipino ang walang tra-baho -– kabilang ang humigit-kumulang na 1.1-milyong college graduates –- kahit mayroong tinatayang 650,000 available na technical-vocational (tech-voc) jobs sa mga lokal na industriya. Kalakhan kasi umano sa mga manggagawa ay kulang sa skills na kailangan ng mga kompanya. Pinuna rin ni Jinggoy na karamihan sa mga kurso sa TESDA ay hindi tumutugma sa international skills standards na nire-require ng mga multinational firm.
Nakapaloob sa panukala ni Jinggoy ang pag-abolish sa TESDA at paglilipat ng mga gawain, pondo at empleyado nito sa Department of Trade and Industry (DTI). Ito ang isa sa pinakamabisang paraan para maasikaso nang sapat ang pagpapa- taas ng skills ng ating mga manggagawa.
* * *
Para sa mga kababayan nating naghahanap ng serbisyo publiko, maaari kayong lumiham sa opisina ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin na hindi po matutugunan ang mga solicitation letter.
- Latest
- Trending