^

PSN Opinyon

Demo-crazy

- Al G. Pedroche -

TAYO ang nagpauso ng salitang ‘‘people power.” Nang malansag ang 20-taong diktadura ni “Great Makoy” dahil sa mapayapang rebolusyon ng milyong Pilipino sa EDSA, sumikat tayo sa buong mundo. Nanguna pa ang Pilipinas sa grupo ng mga nasyon na kung tawagin ay “newly restored democracies.” The Philippines, overnight, became the epitome of  freedom twenty-two years ago.

Ngayon, iba na ang pananaw ng mundo sa atin. Klasipikado na tayo bilang bansang “partly free” o hindi ganap na malaya.  Katulad na natin  ang mga bansang Bangladesh at Kenya batay sa ebalwasyon sa atin ng Freedom House, isang democracy watchdog na naka-base sa Amerika. Ito ay dahil sa mga nangyayaring political killings. Impresyon ng mundo na ang mga bumabatikos sa pamahalaan, lalu na ang media ay pinatatahimik.

Sa pananaw ko, sobra-sobra nga ang demokrasya sa Pilipinas. Lahat ay malayang gumawa ng ano mang bagay. Sa gobyerno, ang mga matataas na opisyal ay malayang mangurakot.  Ang mga mamamahayag sa radyo, tele­bisyon o peryodiko ay malayang bumatikos sa katiwalian sa lipunan. Pero ang mga tao o samahang kanilang nasasa­gasaan ay malaya rin upang sila ay patayin para mana­himik.

Dala ng karalitaan, ang mga tao ay malayang gawing residente ang mga lansangan. Malaya silang suminghot ng solvents para malango at makalimutan pansamantala man lang ang kalam ng sikmura. Ito’y isang uri ng demo­krasyang tuliro. “Demo-crazy” sa isang pabalbal na taguri sa wikang Inggles. Gustong maging diktador ng admi­nistrasyon pero malayang pumalag ang tao. Sa loob mismo ng pamahalaan ay malaya silang magkontra-kontra ng interes at pananaw sa mga isyu.

Walang makatutumbas sa diktadura ni Makoy. Ki­na­­tatakutan ng taumba­-yan. Lahat sunud-sunuran maging sa pagtawid sa tamang ta­wiran. Ang media ay mata­gumpay na nabu­salan. Iba ngayon. Habang tinatang­kang rendahan, lalu namang pumipiglas ang media. Oo, buhay na buhay ang demo­kras­ya sa Pilipi­nas. Demo­krasyang tuliro. Demo-crazy!

FREEDOM HOUSE

GREAT MAKOY

LAHAT

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with