Hindi tayo nilikhang talunan
NAKAKADISMAYA! Ibinagsak ng United States Federal Aviation Administration ang aviation safety rating ng Pilipinas. Ang dahilan — hindi tayo nakasusunod sa itinakdang pamantayang pangkaligtasan. From category 1, ibinagsak tayo sa category 2. Dagok iyan sa ekonomiya. Hindi lang turismo ang apektado kundi ang pandaigdig na kalakalan na nangangailangan ng transportasyong panghimpapawid. Nakalulungkot. Apektado ang operasyon ng Philippine Airlines (PAL) na nagpapasok ng bilyong dolyar na revenue sa bansa.
Bakit kaya pagdating sa kompetisyon sa ekonomiya, tila lagi tayong talo sa ibang bansa? Sabi nga ni Sen. Mar Roxas, nakababahala ang resulta ng mga pan daigdig na surveys na nagpapakitang bumabagsak ang “economic competitiveness” ng Pilipinas. Tapos, nangyari pa ang downgrading ng aviation safety ng bansa. Naturingang mayroon tayong Civil Aviation Authority pero lumalabas na inutil ito para bumuti ang pamantayang panseguridad sa ating aviation. The whole gamot of our economy is directly affected.
Wala kasing inatupag ang mga naturingang tagapamahala sa bansa kundi politika. Dahil diyan, ang mga higit na mahahalagang bagay na dapat asikasuhin ay “inamag” na lang sa isang sulok. We are slowly dying. Dapat mag-focus ang buong pamahalaan, magkakampi man o magkatunggali sa politika, sa gawaing pabutihin ang takbo ng ekonomiya.
Hindi tayo itinalaga ng Diyos na maging talunan. But we run our own destiny. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa at pagkakani-kaniya ng makasariling interes, ito ang napapala natin. Maybe, we deserve to be the tail rather than be the head para naman matauhan na tayo.
- Latest
- Trending