^

PSN Opinyon

Nakababahalang agwat ng mayaman at mahirap

K KA LANG? - Korina Sanchez -

WALA na sigurong mas totoo pa sa lumabas na pag­ susuri na lumalawak ang pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na pamilya sa Pilipinas. Ito ang resulta ng isang pagsusuri na isinagawa ng FIES (Family Income and Expenditures Survey). At ang isang katotohanan pa, 10 porsiyento lang ng lahat ng pa­milya sa bansa ay higit 30 porsiyento ang kinita ng suma ng lahat ng kita noong 2006. Sampung porsi­yento lang! Kilala naman siguro ang mga pamilyang iyan, na may hawak at may-ari ng mga pang araw-araw na pangangailangan katulad ng tubig, kuryente, telepono, pagkain, banko, gamit pang-construction at transportasyon. Kasama na rin siguro ang ilang bisyo katulad ng alak, sigarilyo at libangan. Susunod na ang ilang luho katulad ng alahas, kotse at mama­haling damit. Puro mga mayaya­mang pamilya ang may-ari ng mga ito. May kasabihan nga na magmula sa paggising mo sa umaga hanggang sa pagtulog mo sa gabi, may pinayayaman kang pamilya.

Matagal nang sitwasyon sa bansa natin ito, pero ngayon lang lumaki ang agwat ng maya­yaman at mahihirap. Nakakapagtaka nga kung minsan na sa kabilang dako ay makikita mo ang mga nakatira sa ilalim ng mga tulay at estero, at sa kabila naman ay may mga lupa na halos P50,000 ang isang metro kuwadrado. May mga hindi makabili ng kahit anong sasakyan, at may mga bumibili naman ng mga sasakyang milyun-milyon ang halaga na dalawa lang ang nakaka­sakay. May mga hindi makakain ng tatlong beses isang araw, may mga nakakakain naman ng mga ulam na libo ang halaga. Malaki nga ang agwat, at hindi mo na rin kailangan suriin pa ito.

Ano naman kaya ang dahilan kung bakit ganito na kalaki ang agwat? May mga pamilya na matagal na talagang mayayaman, at dahil maganda ang pagpapatakbo ng negosyo, napanatili o napalaki pa nila ang kanilang mga negosyo at kayamanan. May mga sinuwerte naman sa mga pinasukang negosyo, mga noveau-rich kung tawagin o mga yumaman kailan lang. At nandyan din ang mga yumaman dahil sa katiwalian. Dapat hindi na sinasali sa pagsusuri ang mga ito!

Anuman ang dahilan ng malaking agwat, hindi ito maganda para sa bayan. Marami na ang puwe­deng pagsamantalahan ito, lalo na sa larangan ng pulitika. Ang mahihirap puwedeng magbenta ng boto para kumita. Lalaganap ang krimen, inggit at poot dahil sa laki ng agwat. May mga rebolus­yon na naganap sa ibang bansa dahil din sa agwat. Madalas pinagma­ malaki ang ganda ng ekono­miya, pero ang mga pa­milyang ito rin lang ang mga nakikinabang dito, at hindi ang masa. Dito dapat pag-aralan nang mabuti kung paano aabot ang umano’y ganda ng ekonomiya sa mga mahihi­rap, kundi lalaki at lalaki lang ang agwat na iyan, na hindi magiging mabuti para sa bansa sa katagalan. 

AGWAT

ANO

ANUMAN

FAMILY INCOME AND EXPENDITURES SURVEY

LANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with