^

PSN Opinyon

Taumbayan naman ang tulungan

- Al G. Pedroche -

KOREK si Sen. Mar Roxas. Noong araw, ang budget deficit ng pamahalaan ay P250 bilyon taun-taon. Hindi tumutol si Juan dela Cruz nang magpataw ng Value Added Tax (VAT) ang pamahalaan sa mga kalakal at serbisyo. Alam ng taumbayan na dapat saklolohan ang pamahalaan. Ang halaga ng krudong langis noon ay nasa $30 lang kada bariles. Ngayon, “zero deficit” na raw ang pamahalaan. Salamat sa dagdag na buwis mula sa ating mga lukbutan.

Ayon kay Roxas, umaasa pa rin siya na sa ipinatawag na energy summit ni Presidente Arroyo, ikokonsidera pa rin ang pansamantalang suspension ng VAT sa mga produktong petrolyo ngayong umaabot na sa $100 ang halaga ng krudo sa world market. Pero siyempre, manga­ngailangan ito ng lehislasyon dahil hindi basta-basta maaalis  ang VAT na isang batas. Actually, may panu­kalang batas na si Roxas tungkol diyan. Pero matabang ang reaksyon ng administrasyon pagdating sa suspension ng VAT bagamat temporary lang naman, o habang may krisis tayo sa halaga ng krudo.

Ani Roxas “It is the job — the duty of government to reassess or change solutions when facts change. It would be foolish not to change medicines when the infection has already morphed into something else.”  Nang nanganga­ilangan ng tulong ang gobyerno, medyo mabigat man sa lukbutan ng taumbayan ang ipinataw na VAT (na naging expanded) kalaunan, pikit matang tinanggap natin ito. Ngayon namang mamamayan ang nangangailangan ng saklolo, ipagkakait ba ito? Pakinggan sana ng Palasyo ang argumento ni Roxas na tama at makatarungan.

Bilang Chair ng Senate committee on trade and commerce, iniharap ni Roxas ang Senate Bill 1962 noong isang taon para pansamantalang alisin ang VAT sa mga produktong petrolyo hanggang sa mag-stabilize man lang ang presyo ng krudo sa world market.

Ang presyo ng krudo ay posible pang lumampas sa $100 kada bariles tulad ng pagtaya ng Morgan Stanley Inc., isa sa nangungunang investment banks sa mundo.

Kung mangyayari ito, ani Roxas, ang isang porsyen­tong bawas sa taripa sa petrolyo ay mababale-wala lalo. 

ANI ROXAS

BILANG CHAIR

MAR ROXAS

MORGAN STANLEY INC

NGAYON

PERO

PRESIDENTE ARROYO

ROXAS

SENATE BILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with