^

PSN Opinyon

SOGO, nagpasira sa halagang P50!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ISANG empleyado ng SOGO ang lumapit sa BITAG  upang iparating sa amin ang mga paninira umano ng pamunuan ng nasabing motel laban sa BITAG.

Matatandaan na ang SOGO ay ’yung motel na ikinu­kubli ang kanilang lihim at katarantaduhan sa pagpapa­labas na ang kanilang operasyon ay hotel.

Isa sa ‘‘mabantot na lihim” na ikinahihiya ng SOGO ang paggamit ng mga prosti at mga bugaw bilang mga marketing o sales representatives para mapataas ang kanilang benta.

Ayon sa empleyadong personal na lumapit sa      BITAG, hindi raw P50 ang komisyong ibinibigay ng SOGO sa mga pokpok na nagdadala ng kostumer sa motel na katulad ng nauna naming ipinalabas sa BITAG.

Pagtatama ng empleyado ng SOGO, P80 daw  ito dahil ang P50 daw ay ang komisyon ng prosti at P30 ang komisyon na ibinibigay naman ng SOGO sa mamasang o bugaw ng prosti.

Bago magpasko ay ipinalabas namin sa BITAG ang segment na may pamagat na ‘‘SOGO’’.

Dito ipinakita namin ang pagwawala ng isang prosti  na kuha ng aming surveillance footage dahil tinalo ng SOGO Grand Central ang kanyang komisyong P50.

Nauna na naming tinawagan ang pamunuan ng SOGO upang magbigay pahayag sa akusasyon sa kanila ng mga nagrereklamong prosti. Sila mismo ang nag-set ng appointment upang panoorin pa ang laman ng aming surveillance footage.

Subalit kinahapunan ay kinansela na ni Mrs. Gas Corpuz ang Chief Executive Officer daw ng SOGO ang nasabing appointment.  Nakiusap pa ito na huwag nang ipalabas sa BITAG ang nasabing segment.

Ang siste pa, agad daw kumilos ang kolokoy na Marketing Manager ng SOGO na si Aries Salomon, ayon sa empleyadong lumapit sa amin.

Tinangkang gapangin daw ni Solomon ang IBC 13 para mapahinto ang palabas sa BITAG. Subalit hindi sila nagtagumpay.

Mataas ang respeto ng IBC 13 sa BITAG ganun­din ang aming respeto sa pamunuan ng IBC.

Dagdag pa ng empleyado, mababa raw ang tingin ng pamunuan ng SOGO motel sa media at ang tingin ay parang mga patay gutom.

Sa puntong ito, hindi ko na kontrolado ang pag-iisip ng pamunuan ng SOGO sa mga kapatid namin sa hanapbuhay na maaaring ‘‘panay-panay nga ang lambing’’ sa kanila.

Isa lang ang masasabi ko sa SOGO, wala rin akong karespe-respeto sa pamunuan ninyo. Mas mababa ang tingin ko sa inyo.

Tingnan niyo na lang, nagbebenta na nga ng katawan ang mga prosti, ganun na lang kung inyong lapastanganin at gantsuhin. Hindi ba’t mas maba­bang uri ang mga hayupak na ’to?

Ayon na mismo sa Business Permit and Promotions ng Manila City Hall, kung may business ethics nga na sinusunod pa ang SOGO, ‘‘pagpu-puta’’ na rin o prosti­tusyon ang kanilang negosyo.

Kaya etong paninira sa BITAG nitong ‘‘putahang’’  motel, walang sinumang magpapaniwala. Kung ’yung prosti nga tinalo pa sa halagang P50 lang at nagpasira sila. Tsk-tsk-tsk…

vuukle comment

ARIES SALOMON

LSQUO

SOGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with