^

PSN Opinyon

‘Limang menor de edad ng gang-rape!’

- Tony Calvento -

ILANG ULIT KO NA BINATIKOS ang batas na inakda ni Mega-Senator Francis “Kiko” Pangilinan, ang Juvenille Justice and Welfare Act ng 2006 o RA 9344. Nang dahil sa batas na ito naiba ang “age of discernment” mula sa dating 10 yrs-old, naitaas ito hanggang “below 15 yrs old” kung saan ang lahat ng mga youthful offenders ay hindi maaring kasuhan kahit ito’y nanggahasa, pumatay ng tao, nagbenta ng ipinagbabawal na droga o maski na pumatay ng isang SENADOR.

Muli kong sasabihin na ito na ang RA9344 ay minadali bilang tugon sa pressure ng international press kung saan pinapakita na ang mga menor de edad na nahaharap sa kaso ay nakakulong kasama ang iba pang mga preso nagsisiksikan sa isang selda.

“Rushing can cloud our judgment and cause us to overlook important things and valuable people.”

 Marami na rin ang naitalang insidente kung saan menor de edad ang sangkot sa isang krimen. Sa aming tanggapan ng “CALVENTO FILES at HUSTISYA PARA SA LAHAT.” Balik muli ako sa tanong, “paano naman ang mga naging biktima?” Wala na ba silang maaasahang hustisya sa nangyari sa kanilang anak? Narito ang isang kaso na naman. Basahin niyo at talaga namang nakakaawa.

Mrs. Melody Adlaon ng Bldg. 14 Unit 406, Vitas, Tondo, Manila  humingi ng tulong hinggil sa sinapit ng kanyang walong taong gulang na anak na di-umano’y pinagsamantalahan at biktima ng “gang-rape.” Ang mga inaakusahan ay limang menor de edad.

Itago na lamang natin sa pangalang Krissa ang biktima.

Pangalawa sa apat na magkakapatid at nag-aaral sa isang pampublikong paaralan sa Maynila. Pedicab driver ang ama ni Krissa na si Roberto habang si Melody naman ay naiiwan sa kanilang mga anak.

Nakaugalian na ni Krissa na pagkagaling nito sa eskwelahan naglalaro ito sa rooftop ng kanilang bahay kasama ang iba pa nitong mga kalaro. Kung minsan ay hindi niya pinapayagan ang anak na maglaro sa rooftop subalit hindi naman nito inisip na posibleng ikapahamak ng kanyang anak ang pakikipaglaro nito dahil katulad niyang menor de edad lang ang mga kalaro.

Ika-7 ng Disyembre ng tanghali nang magsabi si Krissa sa pamangkin ng bilas ni Melody na si Ester. Ikinuwento nito kung ano ang ginawa sa kanya ng kanyang mga kalaro. Maggagabi na noong maganap ang insidente sa rooftop ng Bldg. 14, Vitas, Tondo, Manila. Narinig ni Krissa ang tawag ng kanyang ina kaya nagmamadali itong tumakbo para bumaba. Subalit nang pababa na siya ay bigla na lamang siya hinila at ipinasok sa kulungan ng kalapati ng isa sa limang bata na may mga edad na 12 taong gulang hanggang pitong taong gulang na di-umano’y nagtulung-tulong na pagsamantalahan siya. Ano na ang nangyayari sa ating mga kabataan ngayon? Pakisagot nga Mega-Sen Kiko!

Ang isa naman ay hinawakan ang kanyang paa at tinakpan ang bibig upang makasigurong hindi ito makasigaw. Di-umano’y inutusan naman ng isa pang kalaro nito na patungan ang biktima at pagkatapos noon ay ipinasok na nito ang ari sa ari ng biktima. Pagkatapos ang isa naman ay ipinasok ang daliri nito sa ari ni Krissa. Dalawa sa limang bata ang di-umano’y nanamantala kay Krissa habang ang iba naman ay nagsilbing look-out.

Bago tuluyang pakawalan si Krissa ng mga kalaro nito tinakot at sinabihan siya na huwag na huwag sasabihin kahit kanino ang nangyari. Walang kamalay-malay si Melody sa nangyari sa kanyang anak hanggang sa umuwi ang asawa nito mula sa pamamasada ng pedicab at sinabi nito ang nangyari sa kanilang anak na si Krissa.

“Ang sabi sa akin ng asawa ko na may problema at ang anak namin. Doon ko pa lamang nalaman na pinag­samantalahan si Krissa,” sabi ni Melody.

Ipinagbigay-alam naman nila sa kanilang barangay ang nangyari kay Krissa subalit dahil menor de edad ang mga suspek sinabihan sila na wala ring mangyayari sa kaso dahil hindi makakasuhan ang mga ito. (Ano pa nga ba? Malungkot hindi ba?)

Ipinasuri ni Melody ang kanyang anak sa Philippine General Hospital sa Child Protection Unit. Sa resulta ng medico-legal report na isinagawa ni Dr. Merle P. Tan postibong inabuso ang biktima.

Ang masaklap pa dito nagkaroon ng “INFECTION” ang biktima na maaaring nakuha nito sa isa sa mga batang di-umano’y nanamantala sa kanya. Ayon kay Melody, nakita nila sa panty ng kanyang anak na parang may nana na lumalabas sa ari nito.

Nagbigay naman ng liham ang opisina ng Child Protection Unit (CPU) kay Chairman Arthur Grutas, chairman sa lugar kung saan naganap ang insidente. Nais ng CPU na papuntahin noong ika-15 ng Disyembre 2007 ang mga magulang ng mga batang sinasabing may kagagawan sa nangyaring insidente upang ito ay kanilang makausap hinggil sa nangyari. Subalit ayon kay Melody walang naging aksyon ang kanilang chairman sa bagay na ‘yun.

Para kay Melody hindi man makasuhan ang mga batang di-umano’y nanamantala sa kanyang anak dahil sa Republic Act 9344 nais niyang mabigyan pa rin ng leksyon ang mga ito sa anumang paraan upang hindi na nito ulitin ang kanilang ginawa. Hindi rin niya hinangad na humingi ng anumang kapalit sa mga magulang ng mga ito.

Agad namang nakipag-ugnayan ang aming tanggapan kay Undersecretary Alice Bala ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) upang matulungan ang biktima sa trauma na sinapit nito. Nangako naman si Usec Bala na tutulong ang kanilang tanggapan sa biktima. Pinapunta namin si Krissa kay Usec. Bala sa DSWD.

Siguro magandang ibahin ko naman ang panawagan ko kay Mega-Sen Kiko. MEGASEN, baka pwede namang ikaw na ang mamuno sa pagrepaso ng RA9344. Maari bang ibalik ang age of discernment sa 10 years old na lamang at harapin natin ang katotohanan na ang mga kabataan ngayon dahil na rin sa makabagong teknolohiya ay marami ng alam kesa mga  kabataan nung unang panahon. Maari din ba Mr. Senator na maglaan kayo ng inyong mga CDF o pork barrel, kayong mga mambabatas mula sa Senado at Mababang Kapulungan ng pera para makapagpatayo ng mga holding center (redirection centers) para sa mga kabataan nating nasasangkot sa iba’t-ibang uri ng krimen kung ayaw nating makita silang nakakulong kasama ang iba pang mga criminal. Wala kasing facilities ang DSWD para ilagay silang lahat. Mas lalung dumami ngayon dahil sa batas na inyong inakda. “Please lang Mr. MEGASEN, sir!” Kapag hindi baka (?) NEGASEN na itawag ko sa inyo, sir! Pangit na bansag yan sa 2010. 

Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anu­mang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.

* * *

Email address:   [email protected]

ANAK

CHILD PROTECTION UNIT

KRISSA

NAMAN

NITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with