^

PSN Opinyon

Nakahihindik ang Glorietta blast

- Bening Batuigas -

SUMASAGI pa ba sa inyong isipan mga suki ang kagimbal-gimbal na trahedya sa Makati City sa Glorietta 2 Mall noong hapon ng October 19, 2007, na ikinamatay ng may 11-katao at ikinasugat nang mahigit 100.

Nitong nakaraang linggo lamang ay naging mainitan na ang pagtatalo ng Philippine National Police (PNP) at Ayala Land Corporation tungkol sa trahedya.

Nagkanya-kanya sila ng press statement ukol sa kani-kanilang imbestigasyon na nagresulta sa magulong paliwanagan at humantong sa pag-asunto sa 15-katao na responsable sa trahedya.

Ayon  kay PNP Director Geary Barias ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na methane gas explosion ang lumabas sa kanilang pagsusuri, he-he-he! Siyempre mga suki! Sila lamang ang may karapatan na nagsagawa ng imbestigasyon ukol sa pang­yayari.

Ipinakita lamang ng ating kapulisan na may kakayahan silang ilantad ang katotohanan sa mamamayan upang hindi sila paghinalaan na may lihim na tinatago. Kung nagkataon na mataas na uri ng bomba ang sanhi ng trahedya lalabas na mahina ang integridad nila. Get n’yo mga suki! He-he-he!

Umalma  siyempre ang Ayala Land Corporation dahil lumalabas sa finding ng mga dayuhang bomb expert na bomb explosion ang dahilan ng trahedya. Ngunit bina­lewala ang kanilang alegasyon dahil wala sila umanong karapatan na magsagawa ng imbestigasyon at ang naka­lap nilang ebidensya ay sa korte na lamang nila ilantad bilang depensa.

Maganda ang layunin ng Ayala Land Corporation sa  pagkuha ng mga dalubhasang imbestigador upang mailantad sa publiko ang katotohanan at handa naman daw umano  silang managot sa mga naging biktima.

Katunayan nga mga suki kumalat ang balita na han­dang magbayad ang mga Ayala ng tumataginting na P1milyon at lupa’t bahay sa mga namatayan na kung susumahin ay aabot sa P5-milyon para ipadama nila sa mga biktima na hindi sila marunong tumalikod sa respon­sibilidad.

Kaugnay sa mainitang pagtatalo ay masuwerte akong napabilang sa mga piling-piling mamamahayag na nakapa-  sok sa loob ng pinagsabugan upang kunan ng mga larawan ang bawat sulok.  Sa tulong ni Makati City Police chief Supt. Gilbert Cruz ay una akong pi­napasok at kagimbal-gimbal ang aking nasaksihan.

Sa bukana pa lamang ng lobby ay halos mapaatras ako dahil sa madilim ang kapaligi­ran at nakakalat ang mga debris. Nariyan ang mga nakaus­ling bakal, basag na salamin at mga tipak ng semento mula     sa unang palapag hanggang bubong. Makipot ang daan patungo sa basement na kung saan ay naroroon ang tangke ng diesel fuel, generator at mga motor ng tubig o septic tank.

Natungkab din ang  flooring at basag-basag ang kon­­kre­tong hagdanan kaya dahan-dahan ang kilos ko upang di makalikha ng galaw. Super sin­ dak talaga ang aking naram-     da­man habang kumu­kuha ako   ng mga lara­wan.

Sa pinakailalim, napan­sin ko ang mga bali-bali at basag-basag na mga mala­laking tubo na sa pakiwari  ko’y mga tubo para sa poso negro. At dahil limitado la­mang ang oras ay agad ko namang nilisan ang lugar upang pagbigyan ang iba pang mamamahayag na maka-pasok.

Hindi na muna ako mag­ku­­kumento sa mga  nasak­si­han dahil sa husgado na natin aaba­ngan ang magi­ging resulta.

AYALA LAND CORPORATION

CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with