Kaso ng paupahang apartment
TUNGKOL ito sa isang limang pintong paupahang apartment na titulado (TCT 14465) na pag-aari ni Johnny. Mayroon siyang tatlong anak sa kanyang asawa ngunit may ka-live-in din siya, si Cely. Noong Oktubre 27, 1983, gumawa siya ng “Huling Habilin at Testamento” kung saan binigay niya kay Cely ang apartment D at apartment E. Binigay naman niya sa mga anak na sina Ben, Turing at Betty ang apartment A, B at C.
Noong Hunyo 1984, nagkaroon ng malubhang sakit si Johnny. Gumawa siya ng Deed of Absolute Sale kung saan binenta niya kay Cely ng P20,000.00 ang titulo 14465. Kinansela ang nasabing titulo at nagkaroon ng panibago (TCT 150431) pabor kay Cely.
Walang kamalay-malay sina Ben, Turing at Betty sa bentahang naganap. Patuloy silang nanatili sa mga apartment na nakalaan sa kanila. Noong Agosto 23, 1990, nang wala na si Johnny, gumawa pa sila ng isang Partition Agreement kasama si Cely kung saan nirerespeto nila ang karapatan ng bawat isa bilang may-ari alinsunod sa Huling Habilin ni Johnny.
Nang madiskubre ng magkakapatid ang naganap na bentahan, kinasuhan nila si Cely (Civil Case No. 01-1641). Ayon sa kanila, naimpluwensiyahan lang ni Cely ang kanilang ama sa panahong malubha na ang karamdaman nito kung kaya’t nangyari ang nasabing bentahan. Habang nililitis ang kaso, pinaupahan nila ang kanya-kanyang pinto ng apartment. Dahilan upang magkontra demanda naman si Cely. Kinasuhan niya ang magkakapatid pati ang mga umuupa sa apartment. Hinayaan lamang daw niyang manatili ang magkakapatid kahit pa nabenta na sa kanya ang paupahan. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na raw niya mapapayagan ang ginawang pagpapaupa sa ibang tao. Sagot naman nina Turing, Betty at Ben, kahit pa mayroong titulo si Cely, hindi pa rin siya ang tu-nay na may-ari ng lupa. Walang bisa at kunwari lamang ang bentahang naganap. Pangalawa, walang basehan si Cely upang idemanda sila dahil pumirma rin siya sa kasunduan noong Agosto 23, 1990 alinsunod sa Huling Habilin ng kanilang amang si Johnny. Mapapaalis nga ba sina Turing, Betty at Ben sa paupahan?
Maaaring mapaalis. Mas may karapatan si Cely sa paupahan dahil ibinenta ito sa kanya at may pinanghahawakan siyang titulo. Ang titulo ng lupa ang pinakamabisang ebidensiya ng pagmamay-ari ng isang tao at hindi ito maisasantabi sa kaso ng “ejectment”. Kailangan na tuwiran ang pagku westiyon sa legalidad ng nasabing titulo. Malilipat lamang ang titulo ni Johnny sa kanyang mga tagapagmana pag namatay na siya. Bilang may-ari at habang siya ay nabubuhay, may karapatan si Johnny na ibenta ang titulo sa kung sino man ang kanyang nanaisin.
Sa kabilang banda, ang mga kasunduang naganap — ang Huling Habilin at ang kasunduan sa partisyon ng paupahan na pinanghahawakan ng magkakapatid ay walang bisa dahil hindi pa naman nasunod ang prosesong hinihingi ng batas. Kaya’t hindi rin mahalaga kahit pa sabihing may partisipasyon si Cely sa mga kasunduang naganap.
Sa kaso ng “ejectment”, ang dinedesis yunan lamang ay kung sino ang may karapatan na manatili sa lupa o ang tinatawag nating “possession de facto”. Ang desisyon ng korte tungkol sa kung sino ang tunay na may-ari ng lupa ay kondisyonal o pansamantala lamang upang alamin kung siya ang may karapatan na manatili sa lupa. Mas pina halagahan ang karapatan ni Cely dahil siya ang may pinanghahawakang titulo at kasulatan ng bentahan. Ngunit, ang tungkol sa legalidad ng nangyaring bentahan ay ibabase pa sa magiging desisyon ng korte sa Civil Case No. 01-1641. (Rodriguez vs. Rodriguez, G.R. 175720,
- Latest
- Trending