^

PSN Opinyon

Ilutong mabuti ang karne at baka magka-trichinosis

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

(Unang Bahagi)

HILIG n’yo bang kumain ng kinilaw na karne o yung malasado ang pagkakaluto? Mag-ingat! Maaari kayong magkaroon ng trichinosis. Ang trichinosis ay parasitic infestation kung saan ang larvae ng Trichinella spiralis ay nasa karne ng mga mammals, particular ang baboy. Ang larvae ng Trichinella spiralis ay karaniwang makikita sa muscle tissues ng baboy at iba pang hayop. Kapag nakain ng tao ang infected na karne o kaya ay ang mga sausages, masasalin sa kanya ang larvae.

Bagamat hindi naman masasabing malubha ang idinudulot ng trichinosis sa tao, mayroong iba na nagka­karoon ng seryosong problema rito. May mga nagka­karoon ng complications sa puso, baga at sa central nervous system. Kabilang sa maaaring maging sakit ay  meningitis, enciphaletis (pamamaga ng utak), myocarditis, pneumonitis, pleurisy at maaaring maapektuhan ang paningin at ang pandinig.

Ang sintomas ng trichinosis ay depende sa dami ng parasites na nasa katawan. Maaaring makaramdam ng sintomas pero karaniwang-karaniwan na iyon.

Ang parasites ay pumapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng pagdaan sa digestive system at maka­lipas ang ilang araw, mangingitlog na sa dingding ng bituka. Ilang araw pa at mayroon nang larvae. (Itutuloy)

vuukle comment

BAGAMAT

ILANG

ITUTULOY

KABILANG

KAPAG

MAAARI

MAAARING

UNANG BAHAGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with