Suwerte raw ang magnegosyo sa 2008
SA Chinese Astrology, ang 2008 ay Year of The Rat. Na-pakagandang taon at masuwerte para sa long term investments o may mga balak mag-negosyo (ref: www.squidoo.com/2008YearoftheRat).
Para sa maliliit nating kababayan na nag-iisip ng negosyo gamit ang maliit na capital lamang, mag-ingat. Baka kayo ay mapabilang sa network marketing scam.
Karaniwan ang ginagamit nilang front o mascara ay ‘yung mga produktong mabenta, hindi nawawala sa uso at in demand sa panahon ngayon.
Subalit kapag nag-umpisa na ang orientation ng nasabing inaalok na negosyo, dito matutuklasan na ang talagang alok nilang hanapbuhay ay mag-recruit o magparami ng miyembro.
Dito sisilawin nila ang mga tao na mas malaki ang kita kesa sa pagtitinda ng produkto. Irerekomenda pa ng mga mapanlinlang na pasimuno ng network marketing na gawin itong full time at part time lamang ang produkto.
Kumbaga sa negosyong ito, ang iyong pagkakakitaan ay tao. Kababayan mo na magbabayad ng membership o registration fee at dito ka magkakaporsiyento.
Hindi imposibleng dumoble pa ang bilang ng mga naging biktima ng network marketing dahil ignorante pa ang mga kababayan natin tungkol dito.
Ayon nga sa isang nakapanayan na negosyante ng BITAG, bata o bubot pa ang Pilipinas pagdating sa network marketing. Walang batas na pipigil at wala pang tamang pamantayan sa pagpapakilala nito sa tao.
Ang nasa likod daw nito ay mga mapansamantalang negosyante na ang pamamaraan ay kumita nang malaki sa pagpaparami ng miyembro at hindi tunay na sales at marketing practice sa pagbebenta ng produkto.
Sinipa na raw ang network marketing sa mga mauunlad na bansa tulad ng Singapore, Malaysia at Indonesia dahil naging scam ito nang abusuhin ng mga nagpasimuno ng network marketing.
Ibig sabihin, dahil blan ko pa ang ating bansa hinggil sa tunay na layu- nin ng network marketing, marami pang puwedeng maloko at mabiktima nito.
Hangga’t walang matibay na batas laban sa inaabusong network marketing asahan natin na patuloy ang pagsusulputan ng mga kompanyang gagamit ng ganitong stratehiya.
Aasahan din ng BITAG ang mabilis na pag-akyat ng bilang ng magiging biktima ng mapanlinlang na negosyong ito.
- Latest
- Trending