^

PSN Opinyon

Balik trabaho na ang mga empleyado, balik raket na rin ang mga fixers sa gobyerno!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KATATAPOS lamang ng Pasko at balik trabaho na naman ang mga Pilipino. Ang ilang establisimiyento ay may pasok na gayundin ang mga ahensiya ng gobyerno.

Dahil may pasok na ulit, balik raket na rin ang mga fixers  na nakatambay sa labas ng mga tanggapan.

Naghihintay ng panibagong biktima dahil matapos ang Pasko, may isa pang okasyon na kailangan nilang paghandaan at pag-ipunan, ang Bagong Taon.

Hindi na bago sa BITAG at sa mga kababayan natin ang samu’t-saring reklamo at panloloko ng mga fixers sa bawat tanggapan at ahensiya ng gobyerno.

Sila yung mga nag-uunahan, nangungulit at nambi-bitag ng mga Pinoy na gustong mapadali kuno ang pag­lakad, pagkuha at pag-aayos ng mga papeles sa mga pangunahing government offices.

Ang National Statistics Office (NSO), Department of Foreign Affairs (DFA), Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ay ilan lamang sa mga tanggapang pinaglalagian ng mga fixers.

Mag-ingat, dahil imbes na mapadali at mapagaan ang pag-aayos at pagkuha ng inyong kailangan sakit sa bulsa at ulo lamang ang aabutin ninyo.

Sakit sa bulsa dahil mas mahal ang presyo na turing ng mga fixers sa dokumentong kakailanganin mo. Doble hanggang triple sa orihinal na presyo ang patong ng mga manggagantsong ito.

Sakit sa ulo dahil ang akala mong napabilis na serbisyo, pandedenggoy pala ang tunay na serbisyo ng mga mokong. Ang instant papeles na kailangan mo ay bogus at peke!

Palala nang palala ang mga reklamo laban sa mga fixers. Kaya naman ang mga ahensiya ng gobyerno ay nakikipagtulungan na rin   na matuldukan ang kani-lang mga panloloko.

Patuloy ang panawa-gan ng BITAG at ng mga tang­gapang ito na HUWAG MAKIKIPAG-TRANSAK­SIYON sa mga fixers.

Hindi sila awtorisado     ng kahit saang tanggapan, tanging mga empleyado lamang ng tanggapang in­yong pupuntahan ang in­yong lalapitan.

Paulit-ulit at kabi-kabila ang mga babalang pag-iwas at huwag tumang-   kilik ng mga serbisyo ng mga fixers. Subalit marami pa rin ang nabibiktima da-hil sa pag-aakalang mapa­padali ang kanilang kaila­ngan.

Disiplina sa sarili sa pag­sunod sa mga alituntunin ng mga tanggapan ang tunay na susi para sa ikakaayos ng ating mga pakay.

Sakaling may estilo ng panggigipit, pananakot at pamimilit ang mga fixers na inyong nakita o nakilala, ipagbigay alam agad sa BITAG. Hindi kami magda­da­lawang isip na ulit-ulitin ang panghuhuli sa mga bastardong putok sa buho na ito.

ANG NATIONAL STATISTICS OFFICE

BAGONG TAON

FIXERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with