Kailan nga ba ang birthday ni Jesus Christ?
AYON sa tradisyon, ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng Dakilang Mesiyas na si Hesu-Kristo ng Disyembre 25. Pero kinukuwesyon ito ng ibang sekta ng relihiyon. Wala raw petsang nakasulat sa Biblia kung kailan ipinanganak si Hesus. Tama. At iyan ay pinaniniwalaan ng maraming Kristiyano na nagsasabing ang pinakamahalaga ay ginugunita natin ang kapanganakan ng Manunubos minsan man lang isang taon. Iyan man ay tunay na petsa ng kapanganakan ng ating Panginoon o hindi, at least we devote a season once a year to extol the importance of the birth of a Saviour.
Ngunit si Hesus nga ba ang totoong ginugunita natin sa panahong ito. Masyado na kasing “material” ang pakahulugan ng marami sa Pasko. Hindi na ito araw ng pagbibigayan kundi araw ng pagtanggap ng mga material na aginaldo. Madalas, ang regalong gustong tanggapin ng magkasintahan ay ang kanilang mga katawan kung kaya kung Pasko, namamayagpag ang negosyo ng mga motel.
Sa halip na si Hesus ang naaalala natin, ang simbolo ng Pasko ay si Sta. Claus na namimigay ng mga regalo o kaya’y Christmas Tree na sa paanan ay namumutiktik sa mga nakabalot na regalo.
We ought to remember that the real reason for the season is Jesus Christ. “For God so loved the world that he gave His only begotten Son so that whosoever believe in Him shall not perish but have everlasting life.’ -John 3:16.
Ngunit kailan nga kaya isinilang ang pisikal na katawan ng Panginoon? Kung lohika ang gagamitin, naniniwala tayo na ngayon ay “year of our Lord” 2007. Ibig sabihin, dalawang libo at pitong taon na ang lumilipas ay isinilang ang Panginoon. Eh di logical lang na sabihing ipinanganak si Hesus noong January 1, year 1. Kaya di ba dapat sabay ang Christmas at New Year? Come to think of it.
- Latest
- Trending